Mga Kuliti at Chalazion: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Styes and Chalazia: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Ang mga kuliti at chalazion (bigkasin bilang "kuh-LAY-zee-on") ay mga kundisyong nagiging sanhi ng
pamamaga sa mga talukap ng mata.
Ang kuliti ay isang impeksyon sa ugat ng pilik-mata. Nagdudulot ang impeksyon ng matigas na pulang
bukol sa gilid ng talukap ng mata. Maaaring kumalat ang impeksyon hanggang sa namumula at namamaga
na ang buong talukap ng mata. Karaniwang pumuputok ang mga kuliti, at mula rito ay may lumalabas na
kaunting nana. Madalas, kusang gumagaling ang mga ito sa loob ng isang linggo, ngunit kung minsan ay
kailangan ng mga ito ng paggamot sa pamamagitan ng mga antibiotic.
Ang chalazion ay isang bukol o cyst sa talukap ng mata (ang chalazion ay iisa lang; ang chalazia ay
marami). Ito ay dulot ng pamamaga ng malalim na oil gland sa loob ng talukap ng mata. Kadalasan ay
walang impeksyon ang mga chalazion. Tumatagal nang ilang buwan bago gumaling ang mga ito.
Kung ang isang chalazion ay mas mamamaga at masakit o hindi nawawala, maaaring kailanganin mo itong
ipatanggal sa iyong doktor.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Huwag kuskusin ang iyong mga mata. Huwag pisain o subukang buksan ang isang kuliti o chalazion.
-
Upang makatulong na mapabilis ang paggaling ng kuliti o chalazion:
-
Maglagay ng maligamgam at moist na compress sa iyong mata sa loob ng 5 hanggang 10
minuto, 3 hanggang 6 na beses sa isang araw. Kadalasan ay napapadali ng init ang kusang
paggaling ng isang kuliti. Tandaan na sa simula ay maaaring mas mamaga ito nang sandali
sa dahil sa paglalagay ng mga maligamgam na compress.
-
Huwag gumamit ng mainit na tubig o initin ang basang tela sa microwave oven. Maaaring
maging masyadong mainit ang compress at maaaring malapnos ang talukap ng iyong mata.
-
Palaging hugasan ang iyong kamay bago at pagkatapos mong gumamit ng compress o hawakan ang iyong
mata.
-
Kung binigyan ka ng antibiotic drops o ointment ng doktor, gamitin ang gamot gaya mismo ng
itinuro. Gamitin ang gamot hanggang sa kung kailan itinagubilin, kahit pa nagsimula nang
guminhawa ang pakiramdam ng iyong mata.
-
Upang maglagay ng eyedrops o ointment:
-
Tumingala at hilahin pababa ang ibabang talukap ng iyong mata gamit ang isang daliri.
-
Ipatak o ilagay ang gamot sa loob ng ibabang talukap.
-
Ipikit ang iyong mata nang 30 hanggang 60 segundo at hayaan ang drops o ointment na
kumalat sa mata.
-
Huwag hayaang madikit ang dulo ng ointment o dropper sa iyong mga pilikmata o anumang
iba pang surface.
-
Huwag maglagay ng make up sa mata o mga contact lens hangga't hindi pa gumagaling ang kuliti o
chalazion.
-
Huwag maghiraman ng mga tuwalya, unan, o pamunas habang mayroon kang kuliti.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
May nararamdaman kang pananakit sa iyong mata.
-
Nakakaranas ka ng pagbabago sa paningin o hindi ka na makakita.
-
Tumitindi ang pamumula at pamamaga.
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Hunyo 5, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.