Pilay sa Tuhod: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Knee Sprain: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Ang pilay sa tuhod ay isa o higit pang litid sa tuhod na nabanat, medyo napunit, o ganap na napunit
na litid. Ang mga litid ay mga kumpol ng tissue na parang lubid na nagkokonekta sa mga buto at
nagpapanatiling matatag sa tuhod. May apat na pangunahing litid ang tuhod.
Kadalasang nangyayari ang mga pilay sa tuhod dahil sa pinsala sa pagkakapilipit o pagkakatupi mula sa
mga sport gaya ng pag-ski, basketball, soccer o football. Papunta sa isang direksyon ang tuhod
habang ang itaas o ibabang bahagi ng binti naman ay papunta sa kabilang direksyon. Maaari ding
magkaroon ng pilay kapag natamaan ang tuhod mula sa gilid o harap.
Kung medyo nabanat ang litid ng tuhod, maaaring kailanganin mo ng paggamot sa bahay. Maaaring
kailanganin mo ng splint o brace (immobilizer) para sa isang bahagyang napunit na litid. Maaaring
kailanganin ng operasyon kung napunit nang tuluyan ang litid. Ang isang hindi masyadong matinding
pilay sa tuhod ay maaaring tumagal nang 6 na linggo bago gumaling, habang ang matinding pilay naman
ay maaaring tumagal nang ilang buwan.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Sundin ang mga tagubilin tungkol sa bigat na maaari mong ilapat sa iyong binti at kung paano
maglakad gamit ang mga saklay.
-
Ipatong ang iyong binti sa unan kapag lalagyan mo ito ng yelo o sa tuwing uupo o hihiga ka sa
loob ng susunod na 3 araw. Subukan itong panatilihing mas mataas kaysa sa iyong puso.
Makakatulong ito sa pagpapahupa ng pamamaga.
-
Lagyan ng yelo o cold pack ang iyong tuhod sa loob ng 10 hanggang 20 minuto sa bawat
pagkakataong gagawin mo ito. Subukan itong gawin bawat 1 hanggang 2 oras sa loob ng susunod na 3
araw (kapag gising ka) o hanggang sa mawala ang pamamaga. Maglagay ng manipis na tela sa pagitan
ng yelo at ng balat mo. Huwag hayaang mabasa ang splint.
-
Kung mayroon kang elastic na benda, siguraduhing nakakabit ito nang maayos ngunit hindi dapat
ito masyadong masikip na maaaring nang mamanhid, mangalay, o mamaga ang bahaging nasa ibaba ng
benda. Maaari mong luwagan ang benda kung masyado itong masikip.
-
Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng brace (immobilizer) na pangsuporta sa iyong tuhod
habang gumagaling ito. Isuot ito ayon sa itinagubilin.
-
Itanong sa iyong doktor kung maaari kang uminom ng gamot sa pananakit na nabibili nang walang
reseta, gaya ng acetaminophen (Tylenol), ibuprofen (Advil, Motrin) o naproxen (Aleve). Maging
ligtas sa paggamit ng mga gamot. Basahin at sundin ang lahat ng tagubilin na nasa label.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa tingin mo ay maaaring kailanganin mo ng pang-emergency na
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Nakakaramdam ka ng mas malala o mas matinding pananakit.
-
Hindi mo maigalaw ang mga daliri ng iyong paa o bukong-bukong.
-
Malamig o maputla o nagbabago ng kulay ang iyong paa.
-
Nakakaramdam ka ng pamimitig, panghihina, o pamamanhid sa iyong paa o binti.
-
Masyado kang nasisikipan sa iyong splint o brace.
-
Hindi mo maidiretso ang iyong tuhod, o "nagla-lock" (naninigas) ang tuhod.
-
Mayroon kang senyales ng pamumuo ng dugo sa iyong binti, gaya ng:
-
Pananakit sa kalamnan ng likod ng ibabang bahagi ng binti, hita o singit.
-
Pamumula at pamamaga sa iyong binti.
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Hulyo 17, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.