Migraine na Pananakit ng Ulo: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Migraine Headache: Care Instructions
Mga Tagubilin para sa Iyong Pangangalaga
Ang mga migraine ay masasakit, at pumipintig na pananakit ng ulo na kadalasang nagsisimula sa isang
panig ng ulo. Maaaring magdulot ang mga ito ng pagduruwal at pagsusuka at gawin kang maselan sa
ilaw, tunog, o amoy.
Kung hindi gagamutin, maaaring tumagal ang mga migraine ng mula 4 na oras hanggang ilang araw.
Makatutulong ang mga gamot na makaiwas sa mga migraine o ihinto ang mga ito oras na nagsimula.
Matutulungan ka ng iyong doktor na mahanap kung anu-ano ang pinakamahusay para sa iyo.
Ang follow-up na pangangalaga ay mahalagang bahagi ng iyong paggagamot at kaligtasan. Tiyakin
na dumating sa lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Magandang
ideya rin na alamin ang mga resulta ng mga pagsusuri sa iyo at magtabi ng lista ng mga gamot na
iyong iniinom.
Paano mong maaalagaan ang iyong sarili sa tahanan?
-
Huwag magmamaneho pagkatapos uminom ng gamot na inireseta.
-
Magpahinga sa isang tahimik, at madilim na kuwarto hanggang sa mawala ang pananakit ng iyong
ulo. Isara ang mga mata mo at subukang mag-relax o matulog. Huwag manood ng TV o magbasa.
-
Maglagay ng malamig, at basang tela o cold pack sa bahaging may pananakit nang 10 hanggang 20
minuto sa tuwina. Maglagay ng manipis na tela sa pagitan ng cold pack at balat mo.
-
Gumamit ng mainit-init, at basang tuwalya o heating pad na naka-set sa low para makalma ang
naninigas na muscle sa balikat at leeg.
-
Ipamasahe nang dahan-dahan ang iyong leeg at balikat.
-
Inumin ang iyong mga gamot ayon mismo sa pagkakareseta. Tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka sa iyong gamot. Makakakuha ka ng karagdagang detalye sa mga partikular na
gamot na inirereseta ng iyong doktor.
-
Mag-ingat na huwag iinom ng gamot para sa pananakit nang higit pa sa pinahihintulot ng
tagubilin, dahil maaaring magkaroon ka ng mas malala o mas madalas na pananakit ng ulo kapag
nawala na ang epekto nito.
Para maiwasan ang mga migraine
-
Magtabi ng talaarawan ng pananakit ng ulo para matukoy mo kung ano ang nagdudulot sa iyo ng
pananakit ng ulo. Iwasan ang mga nagdudulot ng pananakit ng ulo. Itala kung kailan nagsimula ang
bawat pananakit ng ulo, gaano ito katagal, at kung anong klaseng pananakit iyon (pumipintig,
nananakit, nanunusok, o pulpol). Isulat ang anumang iba pang sintomas na nagkaroon ka kasabay ng
pananakit ng ulo na iyon, tulad ng pagduruwal, kumukurap na liwanag o pandidilim, o nagiging
maselan sa maliwanag na ilaw o sa ingay. Tandaan kung nangyari ang pananakit ng ulo nang malapit
ka nang magregla. Ilista ang anumang bagay na maaaring nagdulot ng pananakit ng ulo, tulad ng
ilang pagkain (tsokolate, keso, wine) o mga amoy, usok, maliwanag na ilaw, stress, o kakulangan
ng tulog.
-
Kung niresetahan ka ng iyong doktor para sa iyong mga migraine, inumin ito ayon sa
pagkakatagubilin. Maaaring may gamot ka na iinumin lang tuwing magkakaroon ka ng migraine at
gamot na iinumin lagi para maiwasan ang mga migraine.
-
Kung nagreseta ang doktor mo ng gamot na iinumin kapag nagkaroon ng pananakit ng ulo,
inumin ito sa unang palatandaan ng isang migraine, maliban kung may ibang tagubilin ang
doktor mo.
-
Kung niresetahan ka ng doktor mo para maiwasan ang migraine, inumin ito ayon mismo sa
pagkakareseta. Tawagan ang iyong doktor kung sa palagay mo'y nagkakaproblema ka sa iyong
gamot.
-
Humanap ng magagandang paraan para harapin ang stress. Ang mga migraine ay pinakakaraniwan
habang o pagkatapos ng mga panahong nakaka-stress. Mag-relax bago at pagkatapos mong gawin ang
isang bagay na nagdulot ng migraine noon.
-
Subukang panatilihing naka-relax ang mga muscle sa pamamagitan ng pananatiling may maayos na
postura. Suriin ang iyong panga, mukha, leeg, at mga muscle ng balikat para sa tensiyon, at
subukang i-relax ang mga ito. Kapag nakaupo sa harap ng mesa, magpalit ng posisyon nang madalas,
at mag-inat nang 30 segundo bawat oras.
-
Matulog nang sapat at mag-ehersisyo.
-
Kumain nang nasa oras, at iwasan ang mga pagkain at inumin na madalas magsimula ng mga migraine.
Kabilang sa mga ito ang tsokolate, alkohol (lalo na ang red wine at port), aspartame, monosodium
glutamate (MSG), at ibang additive na matatagpuan sa mga pagkain (tulad ng mga hot dog, bacon,
cold cuts, aged cheese, at mga pickled food).
-
Limitahan ang caffeine sa pamamagitan ng hindi pag-inom ng sobrang kape, tsaa, o soda. Pero
huwag ititigil nang biglaan ang caffeine, dahil maaaring magdulot din iyon sa iyo ng mga
migraine.
-
Huwag manigarilyo o hayaang manigarilyo ang iba sa paligid mo. Kung kailangan mo ng tulong para
makahinto, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga programa at gamot sa paghihinto ng
paninigarilyo. Makadaragdag ang mga ito sa pag-asang ganap kang makahinto.
-
Kung umiinom ka ng birth control pills o hormone therapy, makipag-usap sa iyong doktor kung
nagdudulot ang mga ito ng migraine sa iyo.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa iyong palagay ay kailangan mo ng pang-emergency na
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
Tawagan ngayon ang iyong doktor o humingi ng agarang pangangalagang medikal kung:
-
May panibago o mas malalang pagduruwal o pagsusuka.
-
May panibago o mas mataas kang lagnat.
-
Lumalala ang pananakit ng iyong ulo.
Manmanang mabuti ang mga pagbabago sa iyong kalusugan, at tiyaking makipag-ugnayan sa iyong doktor
kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Disyembre 20, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.