Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Sore Eyes Mula sa Bacteria sa Mga Bata: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Pinkeye From Bacteria in Children: Care Instructions

Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

../images/58c28e4e49411a5d4c694f23ad164d99.jpg

Ang sore eyes ay isang problema na nararansan ng maraming bata. Sa sore eyes, ang lining ng talukap ng mata at ang surface ng mata ay namumula o namamaga. Ang lining ay tinatawag na conjunctiva (bigkasin bilang "kawn-junk-TY-vuh"). Tinatawag ding conjunctivitis (bigkasin bilang "kun-JUNK-tih-VY-tus") ang sore eyes.

Ang sore eyes ay maaaring dulot ng bacteria, virus o isang allergy.

Ang sore eyes ng iyong anak ay dulot ng bacteria. Ang ganitong uri ng sore eyes ay maaaring makahawa nang mabilis sa ibang tao, karaniwan ay sa pamamagitan ng paghawak.

Kadalasang nawawala ang sore eyes sa loob ng 2 hanggang 3 araw pagkatapos magsimula ang iyong anak ng paggamot gamit ang mga antibiotic eyedrop o ointment.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang napakahalagang bahagi ng paggamot at kaligtasan ng iyong anak. Siguraduhin na makakapagpaiskedyul ka ng pagpapatingin, mapupuntahan mo ang lahat ng ito, at matatawagan mo ang iyong doktor kung nagkakaproblema ang iyong anak. Mabuti ring alamin ang mga resulta ng mga pagsusuri ng iyong anak at magtabi ng listahan ng mga gamot na iniinom ng iyong anak.

Paano mo mapangagalagaan ang iyong anak sa bahay?

Gumamit ng mga antibiotic gaya ng itinuro

Kung binigyan ng doktor ang iyong anak ng antibiotic na gamot, gaya ng ointment o eyedrops, gamitin ito gaya ng itinuro. Huwag itigil ang paggamit nito dahil lang mukhang gumagaling na ang mata ng iyong anak. Kailangang inumin ng iyong anak ang kumpletong dosis ng mga antibiotic. Panatilihing malinis ang dulo ng bote.

Upang maglagay ng eyedrops o ointment:

  • Patingalain ang iyong anak at hilahin pababa ang ibabang talukap ng kanyang mata gamit ang isang daliri.

  • Ipatak o ilagay ang gamot sa loob ng ibabang talukap.

  • Papikitin ang iyong anak nang 30 hanggang 60 segundo at hayaan ang drops o ointment na kumalat sa mata.

  • Huwag hayaang madikit ang dulo ng bote o tube sa mata, talukap ng mata, pilik-mata, o anumang iba pang surface.

Gawing kumportable ang iyong anak

  • Gumamit ng mamasa-masang bulak o malinis at basang tela upang alisin ang muta sa mga mata ng iyong anak. Punasan ang loob na bahagi ng mata palabas. Gumamit ng malinis na bahagi ng tela para sa bawat pagpunas.

  • Maglagay ng mainit o maligamgam na basang tela sa mata ng iyong anak sa loob ng ilang minuto bawat araw kung sumasakit o kumakati ang mga mata.

  • Huwag hayaang magsuot ng mga contact lens ang iyong anak hanggang sa mawala ang sore eyes. Linisin ang mga contact lens at ang lalagyan.

  • Kung nagsusuot ang iyong anak ng mga disposable na contact lens, bumili ng bagong pares kapag maayos na ang mga mata at ligtas na ulit magsuot ng mga contact lens.

Pigilan ang pagkalat ng sore eyes

  • Hugasan nang madalas ang mga kamay mo at ng iyong anak. Palaging hugasan ang mga ito bago at pagkatapos mong gamutin ang sore eyes o hawakan ang mga mata o mukha ng iyong anak.

  • Huwag hayaang makipaghiraman ang iyong anak ng mga tuwalya, unan o pamunas habang mayroon siyang sore eyes. Gumamit ng mga malinis na kumot, tuwalya at pamunas araw-araw.

  • Huwag makipaghiraman ng gamit para sa contact lens, mga lagayan o solution.

  • Huwag maghiraman ng gamot sa mata.

Kailan ka dapat humingi ng tulong?

Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:

  • Masakit ang mata ng iyong anak at hindi lang iritado ang surface.

  • Nakakaranas ang iyong anak ng pagbabago sa paningin o hindi siya makakita.

  • Lumala ang mata ng iyong anak o hindi pa rin ito gumaling sa loob ng 48 oras pagkatapos niyang magsimulang uminom ng mga antibiotic.

Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa kalusugan ng iyong anak, at siguraduhing tawagan ang iyong doktor kung may anumang problema ang iyong anak.

Pangkasalukuyan mula noong: Hunyo 5, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer