Pagkahilo: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Dizziness: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga
Ang pagkahilo ay ang pakiramdam na gumagalaw ang paligid o pagkalito sa iyong utak. Iba ito sa
vertigo na isang pakiramdam na umiikot-ikot ang silid o ikaw ay gumagalaw o nahuhulog. Iba rin ito
sa pagkaliyo, na pakiramdam na mahihimatay ka na.
Maaaring mahirap malaman ang dahilan ng pagkahilo. May ilang taong nahihilo kapag mayroon silang mga
sakit ng ulo na dahil sa migraine. Kung minsan, maaari kang mahilo kapag may trangkaso ka. Maaari ka
ring makaramdam ng pagkahilo dahil sa ilang kundisyong medikal gaya ng mga problema sa puso o mataas
na presyon ng dugo. Maraming gamot ang maaaring magdulot ng pagkahilo, kasama na ang mga gamot para
sa mataas na presyon ng dugo, pananakit o pagkabalisa.
Kung ang isang gamot ay nagdudulot ng mga sintomas, maaaring irekomenda ng iyong doktor na ihinto o
palitan ang gamot. Kung dahil ito sa problema sa iyong puso, maaaring kailanganin mo ng gamot upang
matulungan ang iyong puso na gumana nang mas maayos. Kung walang malinaw na dahilan para sa iyong
mga sintomas, maaaring imungkahi ng iyong doktor na magbantay at maghintay sandali upang malaman
kung mawawala nang kusa ang pagkahilo.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Kung magrerekomenda o magrereseta ng gamot ang iyong doktor, inumin ito gaya ng itinuro. Tawagan
ang iyong doktor kung sa palagay mo ay nagkakaproblema ka sa iyong gamot.
-
Huwag magmaneho kung nahihilo ka.
-
Subukang iwasang matumba. Kasama sa mga hakbang na maaari mong gawin ang:
-
Mga mat upang maiwasan ang pagkadulas, pagdaragdag ng mga hawakan malapit sa paliguan o
tub, at paggamit ng mga ilaw sa gabi.
-
Pag-aayos ng iyong bahay upang walang mga nakaharang sa daraanan mo na maaaring
makadapa.
-
Pagsasabi sa iyong mga kapamilya at kaibigan na nahihilo ka. Sa pamamagitan nito ay
matutulungan mo silang malaman kung paano ka tutulungan.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa tingin mo ay maaaring kailanganin mo ng pang-emergency na
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
-
Hinimatay ka (nawalan ka ng malay).
-
Nakakaramdam ka ng pagkahilo na may kasabay na mga sintomas ng atake sa puso. Maaaring kasama sa
mga ito ang:
-
Pananakit o pressure sa dibdib, o isang kakaibang pakiramdam sa dibdib.
-
Pagpapawis.
-
Kakapusan ng hininga.
-
Pagduduwal o pagsusuka.
-
Pananakit, pressure o kakaibang pakiramdam sa likod, leeg, panga o itaas na bahagi ng
tiyan o sa isa o dalawang balikat o braso.
-
Pagkahilo o biglaang panghihina.
-
Mabilis o hindi regular na pagtibok ng puso.
-
Nakakaranas ka ng mga sintomas ng stroke. Maaaring kasama sa mga ito ang:
-
Biglaang pamamanhid, pangingilabot, panghihina o kawalan ng pagkilos sa iyong mukha,
braso o binti, lalo na sa isang bahagi lang ng iyong katawan.
-
Mga biglaang pagbabago sa paningin.
-
Biglaang kahirapan sa pagsasalita.
-
Biglaang pagkalito o kahirapang umunawa ng mga simpleng pahayag.
-
Biglaang mga problema sa paglalakad o balanse.
-
Isang biglaan at matinding pananakit ng ulo na iba sa mga dating pananakit ng ulo.
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Nahihilo ka at may lagnat, sakit ng ulo, o may umuugong na tunog sa iyong mga tainga.
-
Naduduwal o nagsusuka ka na naman o lumala ang iyong pagduduwal o magsusuka.
-
Hindi nawawala o bumabalik ang iyong pagkahilo.
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Disyembre 20, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.