Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Postpartum (hinggil sa panahon matapos makapanganak): Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Postpartum: Care Instructions

Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Pagkatapos ng panganganak (postpartum period), dadaan sa maraming pagbabago ang iyong katawan. Ang ilan sa mga pagbabagong ito ay magaganap sa loob ng ilang linggo. Sa mga oras makalipas ang panganganak, magsisimulang bumawi ang iyong katawan mula sa panganganak habang naghahanda itong pasusuhin ang iyong sanggol. Maaaring emosyonal ka sa mga oras na ito. Maaaring magbago ang mood mo nang walang babala at walang malinaw na dahilan.

Sa mga unang linggo makalipas ng panganganak, maraming kababaihan ang may emosyong nagbabago mula sa pagiging masaya hanggang sa pagiging malungkot. Maaaring mahirapan kang matulog. Maaaring iiyak ka nang iiyak. Tinatawag ito na "baby blues." Kadalasang nawawala sa loob ng ilang araw o linggo ang mga sobrang emosyon na ito. Pero mahalagang talakayin ang mga damdamin mo sa doktor.

Madaling maging labis na pagod at na-overwhelm sa mga unang linggo makalipas ang panganganak. Huwag subukang gumawa ng napakaraming bagay. Magpahinga hangga't maaari, tumanggap ng tulong mula sa ibang tao, kumain nang mabuti at uminom ng maraming likido.

Makalipas ang 4 hanggang 6 na linggo ng pagkapanganak ng sanggol mo, magkakaroon ka ng follow-up na pagpapatingin sa doktor mo. Ito ang panahon para kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga bagay na inaalala mo.

Mahalagang bahagi ng pagpapagamot at kaligtasan mo ang follow-up na pangangalaga. Siguraduhin na magpa-appointment at pumunta sa lahat ng mga ito, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaroon ka ng mga problema. Mabuti ring ideya na malaman ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan ng mga gamot na ginagamit mo.

Paano mo mapapangalagaan ang sarili sa bahay?

  • Matulog o magpahinga kapag natutulog ang iyong sanggol.

  • Humingi ng tulong sa mga gawaing bahay mula sa kapamilya o mga kaibigan, kung magagawa mo. Huwag subukang gawin ang lahat ng iyon nang mag-isa.

  • Kung ikaw ay may almuranas o pamamaga o pananakit sa paligid ng puwerta ng iyong vagina, subukang gumamit ng malamig at mainit. Makapaglalagay ka ng yelo o cold pack sa bahaging apektado nang 10 hanggang 20 minuto sa tuwina. Maglagay ng manipis na tela sa pagitan ng yelo at balat mo. Subukan ding umupo sa ilang pulgadang mainit na tubig (sitz bath) nang 3 beses sa isang araw at pagkatapos dumumi.

  • Inumin/Gamitin ang mga gamot sa pananakit nang eksakto tulad ng itinagubilin.

    • Kung binigyan ka ng doktor ng resetang gamot para sa pananakit, gamitin iyon tulad ng inireseta.

    • Kung hindi ka gumagamit ng resetang gamot para sa pananakit, tanungin ang iyong doktor kung maaari kang gumamit ng gamot na nabibili nang walang reseta.

  • Kumain ng mas maraming fiber upang maiwasan ang constipation o mahirap na pagdumi. Isama ang mga pagkaing katulad ng mga whole-grain na tinapay at cereal, hilaw na gulay, hilaw at pinatuyong prutas, at beans.

  • Uminom ng maraming likido, sapat upang ang iyong ihi ay mapusyaw na dilaw o malinaw tulad ng tubig. Kung may sakit ka sa bato, puso, o atay at kinakailangang limitahan ang pag-inom ng likido, makipag-usap sa iyong doktor bago mo dagdagan ang dami ng likidong iniinom mo.

  • Huwag magbanlaw sa loob ng iyong vagina gamit ang mga likido (douche).

  • Kung may mga tahi ka, panatilihing malinis ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagbuhos o pagspray ng mainit-init na tubig sa paligid ng labas ng iyong vagina at anus pagkatapos mong gumamit ng inodoro.

  • Magtabi ng isang listahan ng mga tanong upang dalhin sa iyong pagbisita pagkatapos manganak. Ang mga katanungan mo ay maaaring tungkol sa:

    • Mga pagbabago sa iyong mga suso, tulad ng mga bukol o pangingirot.

    • Kailan aasahan na magsimulang muli ang iyong buwanang dalaw.

    • Anong uri ng pamigil ng pagbubuntis ang pinakamabuti para sa iyo.

    • Ang timbang na nadagdag mo sa panahon ng pagbubuntis.

    • Mga opsiyon sa ehersisyo.

    • Anong mga pagkain at inumin ang pinakamabuti sa iyo, lalo na kung nagpapasuso.

    • Mga problemang maaaring maranasan mo sa pagpapasuso.

    • Kailan ka maaaring makipagtalik. Ang ilang babae ay maaaring gustong pag-usapan ang tungkol sa mga lubricant o pampadulas para sa vagina.

    • Anumang pakiramdam ng pagkalungkot o pagiging hindi mapakali na iyong dinaranas.

Kailan dapat tumawag upang humingi ng tulong?

Tumawag sa 911 anumang oras na sa palagay mo ay maaaring kailangan mo ang agarang pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:

  • Naiisip na saktan ang sarili, ang iyong sanggol, o ang ibang tao.

  • Hinimatay ka (nawalan ng malay).

Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:

  • Mas lumalala ang pagdudurugo ng iyong vagina.

  • Nahihilo ka, o pakiramdam mo ay hihimatayin ka.

  • May lagnat ka.

Bantayang mabuti ang mga pagbabago sa kalusugan mo, at siguraduhing makipag-ugnayan sa iyong doktor kung:

  • May panibago o lumalalang paglabas mula sa iyong vagina.

  • Nalulungkot ka.

  • Nagkakaproblema ka sa iyong mga suso o sa pagpapasuso.

Pangkasalukuyan mula noong: Hulyo 10, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer