Pagkabulok ng Ngipin sa Mga Bata: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Tooth Decay in Children: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Ang pagkabulok ng ngipin ay isang pinsala sa ngipin na dulot ng plaque. Ang plaque ay isang manipis
na film ng bacteria na dumidikit sa ngipin sa itaas at ibaba ng gilagid. Kung hindi tatanggalin ang
plaque sa ngipin, maaari itong mamuo at tumigas, at maging tartar. Ginagamit ng bacteria sa plaque
at tartar ang mga asukal sa pagkain sa paggawa ng mga acid. Maaaring magdulot ng pagkabulok ng
ngipin at sakit sa gilagid ang mga acid na ito.
Maaaring mabulok ang anumang bahagi ng ngipin ng iyong anak, mula sa ugat sa ilalim ng gilagid
hanggang sa bahaging ipinangkakagat. Maaaring maapektuhan ng pagkabulok ang panlabas na layer
(enamel) at panloob na layer (dentin) ng mga ngipin ng iyong anak. Kapag mas malalim ang pagkabulok,
mas malala ang pinsala.
Ang hindi nagamot na bulok na ngipin ay maaaring lumala at maging dahilan ng pagkawala ng ngipin.
Kung may maliit na butas sa ngipin (cavity) ang iyong anak, maaaring ayusin ito ng inyong dentista
sa pamamagitan ng pag-aalis ng nabubulok na bahagi at pagtapal sa butas. Kung mas malalim ang
nabubulok na bahagi ng ngipin ng iyong anak, maaaring kailanganin ng iyong anak ng higit pang
paggamot. Maaaring kailanganing bunutin ang ngipin na may matinding pinsala.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng paggamot at kaligtasan ng iyong
anak. Siguraduhing ipaiskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong
dentista kung nagkakaroon ng problema ang iyong anak. Mainam ding alamin ang mga resulta ng mga
pagsusuri ng iyong anak at magtabi ng listahan ng mga gamot na iniinom ng iyong anak.
Paano mo mapangagalagaan ang iyong anak sa bahay?
Kung nakakaranas ng pananakit at pamamaga ang iyong anak nang dahil sa bulok na ngipin:
-
Magbigay ng acetaminophen (Tylenol) o ibuprofen (Advil, Motrin) para sa pananakit. Maging ligtas
sa paggamit ng mga gamot. Basahin at sundin ang lahat ng tagubilin na nasa label.
-
Lagyan ng yelo o cold pack ang pisngi sa tapat ng ngipin sa loob ng 10 hanggang 15 minuto sa
tuwing gagawin mo ito. Maglagay ng manipis na tela sa pagitan ng yelo at balat ng iyong anak.
Upang maiwasan ang pagkabulok ng ngipin
Maaaring imungkahi ng iyong dentista na tumanggap ang iyong anak ng pangangalaga sa ngipin sa kanyang
unang kaarawan. Pagkatapos nito, maraming dentista ang nagmumungkahi ng mga pagpapatingin at
pagpapalinis bawat 6 na buwan. Maaaring irekomenda ng iyong dentista ang paggamot gamit ang fluoride
o sealant.
-
Huwag patulugin ang iyong anak nang may bote ng juice, gatas, formula, o iba pang inuming
maraming asukal. Dahil dito, lalaki ang tsansang mabulok ang ngipin.
-
Painumin ang iyong anak sa baso sa halip na sa bote. Mas pinapalaki ng pag-inom sa bote ang
tsansa na magsimulang mabulok ang ngipin ng iyong anak.
-
Bigyan ang iyong anak ng masusustansyang pagkain. Kasama rito ang mga whole grain, gulay at
prutas. Mainam na meryenda ang keso, yogurt at gatas at mabuti ang mga ito para sa mga ngipin.
-
Pagmumugin o pagsipilyuhin ang iyong anak pagkatapos niyang kumain ng matamis na pagkain lalo na
ng malagkit at matamis na pagkain gaya ng candy o pasas.
-
Pagsipilyuhin ang iyong anak dalawang beses sa isang araw, sa umaga at sa gabi. Pagamitin ang
iyong anak ng floss isang beses sa isang araw.
-
Siguraduhin na may magandang gawi sa pangangalaga sa ngipin ang iyong pamilya. Panatilihing
malusog ang sarili mong ngipin at gilagid. Binabawasan nito ang panganib na malipat sa bibig ng
iyong anak ang bacteria mula sa iyong bibig. Iwasan ang pagpapahiram ng mga kutsara at iba pang
kasangkapang ginagamit sa pagkain ng iyong anak.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa iyong dentista ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa kalusugan ng iyong anak, at siguraduhing
tatawag ka sa iyong dentista kung may anumang problema ang iyong anak.
Pangkasalukuyan mula noong: Agosto 6, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.