Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Kaligtasan ng Bata: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Child Safety: Care Instructions

Iyong Mga Tagubilin sa Pangangalaga

../images/1ac8e0c148bb4f9ef2f8a4a6517ce32d.jpg

Hindi dapat isipin ng mga magulang na kaya o dapat nilang gawing lubos na ligtas ang mundo para sa isang bata. Hindi mo mapipigilan ang paglindol o pagbuhawi. Pero may mahahagalang hakbang na maaari mong gawin para protektahan ang iyong anak mula sa mga karaniwang panganib. Maraming batang napipinsala ng mga aksidente sa sasakyan, pagkapaso, at pagkahulog/pagkatumba taon-taon. Ang inyong bahay ay maaaring maging puno ng panganib para sa isang mausisang bata.

Iwasan ang mga pinsala sa pamamagitan ng kagamitang pangkaligtasan, pagturo sa iyong anak kung paano maging ligtas, at pagbantay sa kanya nang mabuti.

Ang pag-aalaga sa iyong sarili ay mahalagang bahagi ng pagpapanatiling ligtas ng iyong anak. Bagaman maaaring mangyari ang mga aksidente anumang oras, karamihan sa mga ito ay nangyayari tuwing panahon ng stress. Madalas mangyari ang mga ito pagkatapos ng trabaho at bago ang hapunan, kapag gutom at pagod ang mga magulang at mga anak.

Maging handa para sa isang emergency. Turuan ang iyong anak kung paano humingi ng tulong mula sa isang matanda o kung paano tumawag 911.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang napakahalagang bahagi ng paggamot at kaligtasan ng iyong anak. Siguraduhin na makakapagpaiskedyul ka ng pagpapatingin, mapupuntahan mo ang lahat ng ito, at matatawagan mo ang iyong doktor kung nagkakaproblema ang iyong anak. Mabuti ring alamin ang mga resulta ng mga pagsusuri ng iyong anak at magtabi ng listahan ng mga gamot na iniinom ng iyong anak.

Paano mo mapangangalagaan ang iyong anak sa bahay?

Sa bahay

  • Mag-ingat kapag gumagamit ng kagamitan tulad ng matataas na upuan at mga changing table. Palaging gumamit ng mga safety strap, at bantayang mabuti ang iyong anak.

  • Tuwing maliligo, manatiling malapit sa at maaabot ng iyong anak, at huwag kailanman iiwanang mag-isa ang iyong anak sa tub—kahit na may mas nakatatandang bata na nasa kuwarto o tub.

  • Huwag bibigyan ang iyong sanggol ng mga laruang may tali, lubid, o maliliit na naaalis na bahagi na maaaring makabulon sa iyong sanggol. Iwasan din ang mga kuwintas at lobo. Ilayo sa iyong anak ang mga lubid para sa blinds, kurtina, at telepono.

  • Huwag ipagamit ang iyong anak ng mga laser pointer o laser na laruan. Makakapagdulot ang mga ito ng panghabambuhay na pinsala sa mata kung itututok ang laser sa mata.

  • Ilayo ang iyong anak sa sunog, singaw/usok, mainit na tubig, at iba pang maiinit na likido at bagay. Ibaba sa 120°F ang temperatura ng pampainit ng iyong tubig para makatulong na maiwasan ang mga pagkapaso mula sa mainit na tubig. Huwag uminom ng maiinit na likido malapit sa iyong anak.

  • Iwasan ang mga sunog sa bahay sa pamamagitan ng pagkakaroon at pagpapanatili ng mga smoke detector. Magplano at mag-ensayo ng mga ruta ng paglabas. Lagyan ng screen ang mga fireplace at iba pang pagmumulan ng init.

  • Subukang bumili ng mga flame-resistant na pajama para sa iyong anak.

  • Kapag nakakalakad na ang iyong anak, i-lock ang mga pinto sa lahat ng mapapanganib na lugar.

  • Gumamit ng mga sliding gate sa magkabilang dulo ng hagdan. Huwag gumamit ng mga accordion-style gate, dahil maaaring maipit ang ulo ng iyong anak.

  • Huwag hayaan ang iyong anak na maglaro sa mga supot ng plastik, at ilayo ang mga ito sa iyong anak.

  • Tanggalin sa saksakan ang mga appliance kapag hindi ginagamit. Ilayo ang mga electrical cord sa iyong anak. Gumamit ng mga safety cover sa lahat ng saksakan. Magtabi ng fire extinguisher sa inyong kusina.

  • Maayos na magtago ng mga produktong maaaring nakakalason. Kabilang dito ang mga panlinis at iba pang kemikal, halaman, gamot, at anupamang produktong maaaring makapinsala sa isang bata. Ilayo ang mga ito sa mga maliliit na bata. Itabi ang numero ng telepono para sa Poison Control Center (1-800-222-1222) sa iyong telepono.

  • Gumamit ng mga child-proof na lock ng bintana o panangga ang lahat ng bintana sa itaas ng unang palapag.

  • Alisan ng bala ang lahat ng baril at itagong naka-lock ang mga ito. Itago ang bala sa isang hiwalay na naka-lock na lugar.

Malapit sa pagkain

  • Alamin ang mga senyales ng pagkabulon para matugunan mo ito kaagad. Halimbawa, ang isang batang nabubulunan ay hindi makakapagsalita, makakaiyak, makakahinga, o makakaubo.

  • Tandaan na ang maliliit na bata ay maaaring mabulunan sa maliliit na bagay, tulad ng piraso ng hot dog, isang nut, o pasas.

  • Huwag kailanman mag-iwan ng mga lastiko o lobo sa bahay kung saan maaabot ang mga ito ng mga bata.

  • Huwag payagan ang mga batang kumain ng mga lollipop, matigas na kendi, o gum.

  • Huwag mag-init sa microwave ng nakaboteng formula o breast milk dahil maaaring mapaso ng mga maiinit na bahagi ng likido ang bibig at lalamunan ng sanggol.

Sa sasakyan

  • Gumamit ng upuan ng sasakyan para sa bawat pagsakay sa sasakyan. Para sa kaligtasan, napakahalagang magkaroon ng mga upuan ng sasakyan na sakto sa iyong anak at humaharap sa tamang direksyon. Paupuin ang iyong anak sa isang maayos na nailagay na upuan ng sasakyan, na natutugunan ang lahat ng kasalukuyang pamantayan sa kaligtasan. Ang pinakaligtas na lugar para sa iyong anak ay sa likod, sa gitnang upuan ng sasakyan.

  • Huwag payagan ang iyong anak na maglaro malapit sa garahe o daanan o malapit sa mga sasakyan. Ugaliing sumuri sa ilalim at likod ng iyong sasakyan bago magmaneho.

  • Kapag nasa labas ng sasakyan, palaging i-lock ang mga pinto ng sasakyan, at ilayo ang mga susi sa iyong anak.

  • Huwag kailanmang iiwanang mag-isa sa sasakyan ang iyong anak (kahit na "sandali" lang).

Sa komunidad

  • Huwag kailanmang iiwanang hindi nababantayan ang iyong anak, kahit sa isang sandali lang. Sa mga tindahan, i-strap ang iyong anak sa isang stroller o grocery cart para hindi kumiling papalabas ang iyong anak.

  • Palaging bantayan ang iyong anak kapag malapit sa tubig. At huwag hahayaan ang iyong anak na gumamit ng mga inflatable na swimming aid (tulad ng "water wings") nang walang palagiang pagbabantay. Maaaring mag-deflate ang mga ito, o maaaring mahubad ang mga ito sa isang bata.

  • Matutong lumangoy kung hindi ka pa marunong.

  • Turuan ang iyong anak na huwag lumapit sa mga hindi kilalang hayop at na huwag humabol o humawak ng mga alagang hayop.

  • Ang mga sunburn ay permanenteng makakapinsala ng balat ng isang bata. Ganap na ilayo sa sikat ng araw ang mga sanggol na mas bata sa 6 na buwan. Protektahan ang iyong anak mula sa direktang sikat ng araw sa pamamagitan ng paggamit ng sumbrero, shades, pantalon, at long-sleeved na shirt habang nasa labas ang iyong anak. Gumamit ng sunscreen na pambata.

  • Huwag kailanman hayaan ang iyong anak na maglaro sa o malapit sa mga kanal ng irigasyon.

  • Tulungan ang iyong anak na maunawaan ang mga panganib ng mga estranghero. Karamihan ng batang nadudukot ay hindi kinukuha ng mga estranghero, ngunit ng isang magulang, kamag-anak, kaibigan ng pamilya, o kakilala. Ngunit mahalaga pa ring turuan ang iyong anak na maging maingat sa mga estranghero at kung paano kumilos kapag natatakot siya.

  • Bago bumisita ang iyong anak sa isang hindi-kilalang bahay, tanungin ang may-ari kung kailangan mo bang malaman ang tungkol sa anumang mapanganib na lugar, alagang hayop, o iba pang isyung pangkaligtasan, tulad ng mga baril. Bukod pa rito, magandang ideya palagi na tingnan mismo ang kabahayan.

Pangkasalukuyan mula noong: Oktubre 24, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2026 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer