Temporomandibular Disorder: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Temporomandibular Disorder: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Ang mga temporomandibular (TM) disorder ay problema sa mga kalamnan at kasu-kasuan na nagkokonekta sa
iyong panga at sa iyong bungo. Nagdudulot ng pananakit ang mga ito kapag ibinubuka mo ang iyong
bibig, ngumunguya o humihikab ka. Maaari maramdaman mo ang pananakit na ito sa magkabilang bahagi.
Ang karaniwang sanhi ng mga TM disorder ay ang paninigas ng mga kalamnan sa panga. Ang paninigas ay
maaaring sanhi ng pagpapatigas ng panga o pagngitil ng iyong mga ngipin. Maaari itong mangyari kapag
nakakaranas ka ng sobrang stress sa iyong buhay.
Kung babawasan mo ang iyong stress, maaaring maihinto mo ang pagpapatigas ng iyong panga o pagngitil
ng iyong mga ngipin. Makakatulong ito sa pag-relax ng iyong panga at pagbawas sa pananakit na
nararamdaman mo.
Maaari ka ring gumawa ng ilang bagay sa bahay upang mas gumaan ang iyong pakiramdam. Ngunit kung
walang gumana sa mga ito, maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot na makakatulong sa
pagre-relax ng iyong mga kalamnan at pagkontrol sa pananakit.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Maglagay ng maligamgam at mamasa-masang tela o heating pad na nasa low ang setting sa iyong
panga. Gawin ito sa loob ng 10 hanggang 20 minuto sa tuwing gagawin mo ito. Maglagay ng manipis
na tela sa pagitan ng heating pad at ng balat mo.
-
Iwasan ang matitigas o makukunat na pagkain na kailangan mong nguyain nang husto na labis na
nagpapakilos sa iyong mga panga. Kasama sa mga halimbawa ang popcorn, jerky, matitigas na karne,
makukunat na tinapay, bubblegum at hilaw na mansanas at carrot .
-
Kumain ng mas malalambot na pagkain na madaling nguyain. Kasama sa mga ito ang mga itlog, yogurt
at sopas.
-
Hiwain sa maliliit na piraso ang iyong pagkain. Ngumuya nang dahan-dahan.
-
Kung masyadong masakit para sa iyo ang pagnguya, o kung nagla-lock ito, maaaring kailanganin
mong durugin ang iyong mga kakainin sa loob ng ilang araw o linggo.
-
Upang ma-relax ang iyong panga, ulitin ang ehersisyong ito sa loob ng ilang minuto tuwing umaga
at gabi. Tingnan ang iyong sarili sa salamin. Dahan-dahang ibuka at itikom ang iyong bibig.
Igalaw ang iyong panga nang diretso pataas at pababa. Ngunit huwag itong gawin kung mas
tumitindi ang nararamdaman mong pananakit.
-
Mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto sa karamihan ng mga araw ng linggo upang mabawasan
ang stress. Magandang opsyon ang paglalakad. Maaaring gusto mo ring magsagawa ng iba pang
aktibidad, gaya ng pagtakbo, paglangoy, pagbibisikleta at paglalaro ng tennis o team sport.
-
Huwag:
-
Ibalanse ang telepono sa pagitan ng iyong balikat at panga.
-
Ibuka nang malaki ang iyong bibig, gaya ng kapag kumakanta ka nang malakas o humihikab.
-
Patigasin ang iyong panga o pangitilin ang iyong mga ngipin, kagatin ang iyong mga labi
o kagatin ang iyong mga daliri.
-
Patigasin ang iyong panga habang may nakalagay na bagay sa pagitan ng iyong mga ngipin
gaya ng ballpen o tabako.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
-
Mas lumalala ang pananakit ng iyong panga.
-
Namamaga ang iyong mukha.
-
Hindi ka gumagaling gaya ng inaasahan.
Pangkasalukuyan mula noong: Agosto 6, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.