Mga Kagat ng Insekto: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Insect Stings and Bites: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga
Ang mga kagat ng bubuyog, putakti at iba pang mga insekto ay karaniwang nagdudulot ng pananakit,
pamamaga, pamumula at pangangati. Sa ilang tao, lalo na sa mga bata, maaaring mas matindi ang
pamumula at pamamaga. Maaari itong kumalat nang ilang pulgada sa labas ng apektadong bahagi. Ngunit
sa karamihan ng mga sitwasyon, hindi nagdudulot ng mga reaksyon sa buong katawan ang mga kagat.
Kung nakaranas ka na ng reaksyon sa kagat ng inseksto, mas malaki ang posibilidad na magdulot ulit ng
reaksyon sa iyong katawan ang panibagong kagat ng insekto.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Huwag kamutin o kuskusin ang balat na nakagat ng insekto.
-
Maglagay ng cold pack o ice cube sa bahaging nakagat. Maglagay ng manipis na tela sa pagitan ng
yelo at ng balat mo. Para sa ilang tao, ang paste ng baking soda na hinaluan ng kaunting tubig
ay nakakatulong sa pagpapahupa ng pananakit at pagbabawas ng reaksyon.
-
Uminom ng antihistamine na nabibili nang walang reseta, gaya ng diphenhydramine (Benadryl) o
loratadine (Claritin), upang mapahupa ang pamamaga, pamumula at pangangati. Maaari ding
makatulong ang calamine lotion o hydrocortisone cream. Huwag painumin ng antihistamine ang iyong
anak maliban na lang kung kumonsulta ka na sa doktor.
-
Maging ligtas sa paggamit ng mga gamot. Kung nagreseta ng gamot ang iyong doktor para sa iyong
allergy, inumin ito ayon mismo sa inireseta. Tawagan ang iyong doktor kung sa palagay mo ay
nagkakaproblema ka sa iyong gamot. Makakakuha ka ng higit pang detalye tungkol sa mga partikular
na gamot na inireseta ng iyong doktor.
-
Maaaring magreseta ang iyong doktor ng isang iniksyon ng epinephrine na dadalhin mo kahit saan
ka magpunta upang magamit kung sakaling makaranas ka ng malubhang reaksyon. Alamin kung paano at
kailan dapat iniksyunan ang iyong sarili at dalhin ito kahit saan ka magpunta. Siguraduhin na
hindi ito expired.
-
Pumunta sa emergency room anumang oras na makaranas ka ng matinding reaksyon. Pumunta kahit na
nabigyan mo na ng epinephrine ang iyong sarili at mas mabuti na ang iyong pakiramdam. Maaaring
bumalik ang mga sintomas.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa tingin mo ay maaaring kailanganin mo ng pang-emergency na
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Nakakaranas ka ng mga sintomas ng allergic na reaksyon hindi sa mismong kagat, gaya ng:
-
Pamamantal o tagulabay (pamamantal at pamumula sa mga bahagi ng balat).
-
Pangangati.
-
Pamamaga.
-
Pananakit ng tiyan, pagduduwal o pagsusuka.
-
Maraming bahagi sa paligid ng kagat ang namamaga (gaya ng pamamaga ng buong braso o binti mo).
-
Mayroon kang mga senyales ng impeksyon, gaya ng:
-
Lumalalang pananakit, pamamaga, pamumula o paghapdi sa paligid ng kagat.
-
Pamumula sa bahaging apektado.
-
Paglabas ng nana mula sa bahaging nakagat.
-
Lagnat.
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Hulyo 10, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.