Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkahantad sa mga Impeksyon na Naisasalin sa pakikipagtalik (sexually transmitted infection: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Exposure to Sexually Transmitted Infections: Care Instructions

Pangkalahatang-ideya

Ang sexually transmitted infection (STIs) ay mga impeksyon na nakakalat sa pamamagitan ng sexual contact. Kabilang dito ang paglalapat ng mga balat at vagina (ari ng babae), bibig at puwit na pagtatalik. Kung buntis ka, maikakalat mo rin ito sa iyong sanggol bago o sa panahon ng panganganak.

Pangkaraniwan ang STIs. Ngunit hindi ito laging nagdudulot ng mga sintomas. At kapag hindi ito nalunasan, maaari itong magdulot ng mga problema sa kalusugan. Mahalaga ang pagsusuri at paggamot upang matulungang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iyong (mga) partner.

Ang mga STI na sanhi ng bakterya ay gumagaling kapag ginamot. Ang mga STI na sanhi ng mga virus ay puwedeng lunasan upang mabawasan ang mga sintomas, ngunit hindi ito gumagaling kahit gamutin.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan. Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan ng mga iniinom mong gamot.

Paano mo aalagaan ang iyong sarili sa bahay?

  • Inumin ang mga gamot nang eksakto ayon sa inireseta.

  • Kung nagreseta ng mga antibiotic ang iyong doktor, inumin ang mga ito ayon sa itinagubilin. Huwag ihinto ang pag-inom dahil lang mabuti na ang pakiramdam mo. Kailangan mong makumpleto ang pag-inom ng mga antibiotic.

  • Sabihin sa iyong (mga) katalik na kailangan nilang magpagamot. Para sa mga partikular na STI, makakapagreseta rin ang doktor mo ng paggagamot para sa (mga) kapartner mo.

  • Huwag makipagtalik habang may mga sintomas ka ng STI o ginagamot para sa STI.

  • Huwag magdutsa. Binabago ng pagdudutsa ang normal na balanse ng bakterya sa iyong vagina. Maaari nitong pataasin ang panganib na maikalat ang impeksyon patungo sa iyong uterus o sa iba pang mga reprodctive organ.

Paano mo maiiwasan ang impeksyong naililipat sa pakikipagtalik (STI)?

Makakatulong ka sa pagpigil sa mga STI kung hindi ka muna makikipagtalik sa bagong kapareha (o mga kapareha) hangga't hindi pa nasusuri ang bawat isa sa inyo para sa mga STI. Nakakatulong din kung gagamit ka ng condom at kung lilimitahan mo ang iyong pakikipagtalik sa isang kaparner lang.

Kailan ka dapat tumawag para humingi ng tulong?

Tumawag 911 sa anumang oras na sa palagay mo ay maaaring kailangan mo ng pangangalagang pang-emergency. Halimbawa, tumawag kung:

  • Mayroon kang nararamdamang bigla at matinding pananakit sa iyong tiyan at balakang.

Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang pangangalagang medikal kung:

  • Mayroon kang bago pananakit sa iyong tiyan o balakang.

  • Nilalagnat ka.

  • Mayroon kang bago o tumitinding hapdi o kirot sa pag-ihi, o hindi ka makaihi.

  • Mayroon kang pananakit, pamamaga o sensitibong bayag.

  • Ikaw ay buntis at mayroong anumang sintomas ng STI.

Bantayang mabuti ang mga pagbabago sa iyong kalusugan, at tiyaking makipag-ugnayan sa iyong doktor kung:

  • Mayroong di-pangkaraniwang pagdurugo sa iyong vagina.

  • Mayroong lumalabas sa iyong vagina, penis (ari ng lalaki)i, o sa puwit.

  • Mayroon kang mga bagong sintomas, tulad ng mga sugat, bukol, pantal, paltos, kulugo sa ari o sa bahagi ng puwit.

  • Mayroon kang pangangati, pangingimay, pananakit, o hapdi sa ari o sa bahagi ng puwit.

  • Sa palagay mo ay nahantad ka sa STI.

  • Mayroon kang masakit na lalamunan o sugat sa iyong bibig o sa iyong dila.

Pangkasalukuyan mula noong: Nobyembre 27, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer