Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Problema sa Alkohol at Droga: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Substance Use Disorder: Care Instructions

Pangkalahatang-ideya

../images/42d2138b0ad7316fb8fe1ec4898e0e62.jpg

Mapapaganda mo ang iyong buhay at kalusugan sa pamamagitan ng paghinto sa paggamit mo ng alkohol o droga. Makatutulong ang pagtigil sa paggamit ng alkohol o droga para mapaganda ang iyong pakiramdam at pagtulog, pati na ang relasyon ninyo ng iyong mga kapamilya, kaibigan, at katrabaho. May mga gamot at programa na makatutulong.

Paano mo mapapangalagaan ang iyong sarili sa bahay?

  • Kung binigyan ka ng gamot na nakatutulong sa iyong manatiling listo o makababawas sa iyong paghahanap, tiyaking inumin ito nang ayon sa pagkakareseta.

  • Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga programa na makatutulong sa iyo na huminto sa paggamit ng droga at pag-inom ng alkohol.

  • Kung magreseta ang iyong doktor ng disulfiram (Antabuse), huwag iinom ng anumang alkohol habang umiinom ng gamot na ito. Maaaring magkaroon ka ng malubha, o nakamamatay pang mga side effect mula sa kahit kaunting alkohol.

  • Huwag tuksuin ang sarili sa pamamagitan ng pagtatabi ng alkohol o droga sa iyong tahanan.

  • Matutong umayaw kung ang ibang tao ay umiinom o gumagamit ng droga. O, huwag sasama sa mga taong umiinom o gumagamit ng droga.

  • Gamitin ang oras at perang ginagastos sa pag-inom at pag-droga sa paggawa ng masayang bagay kasama ng iyong mga kapamilya o kaibigan.

Pagpigil sa pagkabinat

  • Huwag nang iinom ng alkohol o gumamit ng droga kahit kaunti. Ang paggamit ng kahit gaano kaunting alkohol o droga ay nakadaragdag sa panganib na ikaw ay mabinat.

  • Humingi ng tulong mula sa mga organisasyong tulad ng Alcoholics Anonymous, Narcotics Anonymous, o mga pasilidad ng pagamutan kung nadarama mong kailangan mo ulit uminom ng alkohol o gumamit ng droga.

  • Tandaan na ang paggaling ay panghabambuhay na proseso.

  • Iwasan ang mga sitwasyon, mga kaibigan, o mga lugar na maaaring maging dahilan ng iyong pag-inom o paggamit ng droga.

  • Magkaroon ng plano para matukoy at harapin ang pagkabinat. Matutong kilalanin ang mga pagbabago sa iyong pag-iisip na nagiging dahilan ng iyong pag-inom o paggamit ng droga. Ang mga ito ay mga palatandaan. Humingi ng tulong bago ka pa muling uminom o gumamit ng droga.

  • Humingi ng tulong sa lalong madaling panahon kung ikaw ay mabinat. Ang ibang tao ay gumagawa ng plano kasama ang isa pang tao na nagbabalangkas sa nais nilang gawin ng taong iyon para sa kanila kung sila'y mabinat. Kadalasang kasama sa plano kung paano haharapin ang pagkabinat at sinong aabisuhan sakaling mabinat.

  • Huwag susuko. Tandaan na ang pakabinat ay hindi nangangahulugan na ikaw ay nabigo. Gamitin ang karanasan para matutunan ang mga dahilang nagtutulak sa iyong uminom o gumamit ng droga, at muling tumigil. Maraming tao ang ilang ulit nabibinat bago sila nakatigil nang ganap.

Ang follow-up na pangangalaga ay mahalagang bahagi ng iyong panggagamot at kaligtasan. Tiyaking pumunta sa lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Magandang ideya rin na alamin ang mga resulta ng iyong pagsusuri at magtabi ng listahan ng mga iniinom mong gamot.

Kailan ka dapat tumawag para sa tulong?

Tumawag 911 anumang oras kung sa palagay mo ay maaaring kailanganin mo ng pangangalagang pang-emergency. Halimbawa, tumawag kung:

  • Nadarama mong hindi mo mapipigilang saktan ang sarili o ang ibang tao.

Tumawag ngayon sa iyong doktor o humingi ng agarang medikal na tulong kung:

  • May nakamamatay kang sintomas ng withdrawal tulad ng pagkalito, nagkakaroon ng guni-guni, o malubhang panginginig.

Manmanang mabuti ang mga pagbabago sa iyong kalusugan, at tiyaking makipag-ugnayan sa iyong doktor kung:

  • Nabinat ka.

  • Kailangan mo ng dagdag na suporta para tumigil.

Pangkasalukuyan mula noong: Nobyembre 15, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2026 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer