Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Tonsillitis: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Tonsillitis: Care Instructions

Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

../images/5d6f306e701b520d13c5a9a16f20782c.jpg

Ang tonsillitis ay isang impeksyon sa mga tonsil na dulot ng bacteria o virus. Ang mga tonsil ay makikita sa likod ng lalamunan at bahagi ang mga ito ng immune system. Ang tonsillitis ay karaniwang tumatagal nang ilang araw hanggang dalawang linggo.

Kusang gumagaling ang tonsillitis na dulot ng virus. Ang tonsillitis na dulot ng bacteria na sanhi ng strep throat ay ginagamot gamit ang mga antibiotic.

Maaaring isaalang-alang mo at ng iyong doktor ang operasyon sa pag-aalis ng mga tonsil (tonsillectomy) kung nakakaranas ka ng malulubhang kumplikasyon o paulit-ulit na impeksyon.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan. Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan ng mga iniinom mong gamot.

Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?

  • Kung nagreseta ng mga antibiotic ang iyong doktor, inumin ang mga ito gaya ng itinuro. Huwag itigil ang pag-inom ng mga ito dahil lang bumuti ang iyong pakiramdam. Kailangan mong inumin ang kumpletong dosis ng mga antibiotic.

  • Magmumog ng tubig na may asin. Makakatulong ito sa pagpapahupa ng pamamaga at pagginhawa ng iyong pakiramdam. Magmumog isang beses bawat oras gamit ang 1 kutsaritang asin na inihalo sa 8 onsa ng maligamgam na tubig.

  • Uminom ng gamot sa pananakit na mabibili nang walang reseta, gaya ng acetaminophen (Tylenol), ibuprofen (Advil, Motrin) o naproxen (Aleve). Maging ligtas sa paggamit ng mga gamot. Basahin at sundin ang lahat ng tagubilin na nasa label. Hindi dapat uminom ng aspirin ang kahit sinong wala pang 20 taong gulang. Naiugnay ito sa Reye syndrome, na isang malubhang sakit.

  • Mag-ingat kapag umiinom ng gamot sa lagnat o trangkaso na mabibili nang walang reseta at Tylenol nang sabay. Marami sa mga gamot na ito ay may acetaminophen, at Tylenol ito. Basahin ang mga label upang makasiguro na hindi ka umiinom nang lampas sa inirekomendang dosis. Maaaring makasama ang sobrang acetaminophen (Tylenol).

  • Subukang gumamit ng spray sa lalamunan na nabibili nang walang reseta upang maibsan ang pananakit ng lalamunan.

  • Uminom ng maraming fluid. Maaaring makatulong ang mga fluid sa pagpapahupa ng pangangati o pananakit sa lalamunan. Uminom ng mainit o malamig na tubig (alinman ang nakakapagpaginhawa sa iyong pakiramdam). Kasama sa mga ito ang tsaa, sopas at juice.

  • Huwag manigarilyo at iwasang makalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo. Maaaring mapapalala ng paninigarilyo ang tonsilitis. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtigil, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga programa at gamot para sa pagtigil sa paninigarilyo. Mapapalaki nito ang tsansa na tuluyan mong maititigil ang iyong paninigarilyo.

  • Gumamit ng vaporizer o humidifier upang magdagdagan ang moisture sa iyong silid. Sundin ang mga tagubilin sa paglilinis ng makina.

Kailan ka dapat humingi ng tulong?

Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:

  • Mas tumitindi ang nararamdaman mong pananakit sa isang bahagi ng iyong lalamunan.

  • Nilalagnat ka na naman o tumaas ang iyong lagnat.

  • Napapansin mong may mga pagbabago sa iyong boses.

  • Nahihirapan kang buksan ang iyong bibig.

  • Nahihirapan kang huminga.

  • Mas nahihirapan kang lumunok.

  • Mayroon kang lagnat at stiff neck o matinding sakit ng ulo.

  • Masyado kang senstibo sa ilaw at nakakaranas ka ng matinding pagkaantok o pagkalito.

Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka sa iyong doktor kung:

  • Hindi bumubuti ang iyong pakiramdam pagkalipas ng 2 araw.

Pangkasalukuyan mula noong: Setyembre 27, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2026 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer