Pagbara ng Tutuli: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Earwax Blockage: Care Instructions
Pangkalahatang-ideya

Ang tutuli ay isang likas na substansya na pumoprotekta sa kanal ng tainga. Karaniwan, umaagos ang
tutuli mula sa mga tainga at hindi nagiging sanhi ng mga problema. Kung minsan, namumuo at tumitigas
ang tutuli sa kanal ng tainga. Ang pagbara ng tutuli (tinatawag ding cerumen impaction) ay maaaring
maging sanhi ng ilang pagkawala ng pandinig at pananakit. Kapag matigas ang tutuli, kakailanging
tanggalin ito ng iyong doktor.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo aalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Huwag subukang tanggalin ang tutuli gamit ang mga cotton swab, daliri, o iba pang bagay.
Maaaring palalain nito ang pagbara at mapinsala ang eardrum.
-
Kung inirerekomenda ng iyong doktor na subukan mong tanggalin ang tutuli sa bahay:
-
Palambutin at paluwagin ang tutuli sa pamamagitan ng maligamgam na mineral na langis.
Maaari mo ring subukan ang hydrogen peroxide na hinaluan ng katumbas na dami ng tubig na
katamtaman ang temperatura. Maglagay ng 2 patak ng likido, na pinainit ayon sa
temperatura ng katawan, sa tainga nang dalawang beses sa isang araw sa loob ng hanggang
5 araw.
-
Kapag lumambot at lumuwag na ang tutuli, ang karaniwang kailangan para alisin ito mula
sa kanal ng tainga ay isang banayad at maligamgam na shower. Idirekta ang tubig sa loob
ng tainga, at itagilid ang iyong ulo para hayaang lumabas ang tutuli. Gumamit ng tuwalya
para dahan-dahang matuyo ang iyong tainga.
-
Kung hindi gumagana ang mainit na mineral na langis at ang pag-shower, gumamit ng
pampalambot ng tutuli na nabibili nang walang reseta. Basahin at sundin ang lahat ng
tagubiling nasa etiketa. Pagkatapos gamitin ang pampalambot ng tutuli, gumamit ng
hiringgilya para sa tainga para dahan-dahang malinis ang tainga. Siguraduhing naaayon sa
temperatura ng katawan ang panlinis na solusyon. Maaaring maging sanhi ng pagkahilo ang
malamig o mainit na likido sa tainga.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
-
Nakakaranas ka ng pananakit sa tainga o humina ang iyong pandinig pagkalipas ng 1 linggo ng
paggamot sa bahay.
-
Nakakaranas ka ng mga bagong sintomas, gaya ng pagduduwal o problema sa balanse.
Pangkasalukuyan mula noong: Setyembre 27, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.