Pananakit ng Paa: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Foot Pain: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Karaniwan lang ang mga pinsala sa paa na nagdudulot ng pananakit at pamamaga. Halos lahat ng sports o
mga pagkukumpuni sa bahay ay maaaring maging sanhi ng isang maling hakbang na magdudulot ng
pananakit ng paa. Ang normal na pagkilos ng paa, lalo na sa pagtanda mo, ay maaari ding maging
dahilan ng pananakit ng paa.
Gumagaling ang karamihan sa mga pinsala sa paa sa paglipas ng panahon at karaniwang paggamot lang sa
bahay ang kailangan mong gawin. Kung nagkaroon ka ng matinding pinsala, maaaring kailanganin mong
magpatingin at magpagamot.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Inumin ang mga gamot sa pananakit ayon mismo sa itinuro.
-
Kung binigyan ka ng doktor ng inireresetang gamot para sa pananakit, gamitin iyon gaya
ng inireseta.
-
Kung hindi ka gumagamit ng inireresetang gamot para sa pananakit, itanong sa iyong
doktor kung maaari kang gumamit ng gamot na mabibili nang walang reseta.
-
Ipahinga at protektahan ang iyong paa. Pansamantalang huminto sa anumang aktibidad na maaaring
magdulot ng pananakit.
-
Lagyan ng yelo o cold pack ang iyong paa sa loob ng 10 hanggang 20 minuto sa bawat pagkakataong
gagawin mo ito. Maglagay ng manipis na tela sa pagitan ng yelo at ng balat mo.
-
Ipatong ang masakit na paa sa isang unan kapag lalagyan mo ito ng yelo o sa tuwing uupo o hihiga
ka sa loob ng susunod na 3 araw. Subukan itong panatilihing mas mataas kaysa sa iyong puso.
Makakatulong ito sa pagpapahupa ng pamamaga.
-
Maaaring irekomenda ng iyong doktor na ibalot mo ang iyong paa gamit ang elastic na benda.
Panatilihing nakabalot ang iyong paa sa loob ng panahon na ipinayo ng iyong doktor.
-
Kung magrereseta ng mga saklay ang iyong doktor, gamitin ang mga ito gaya ng itinuro.
-
Magsuot ng maluwag na sapatos.
-
Sa sandaling mawala na ang pananakit at pamamaga, magsagawa ng mga simpleng ehersisyo sa iyong
paa. Sasabihin sa iyo ng iyong doktor kung anong mga ehersisyo ang makakatulong.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa tingin mo ay maaaring kailanganin mo ng pang-emergency na
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Hindi mo maigalaw ang iyong paa o hindi ka makatayo.
-
Mukhang may bali o hindi normal ang hitsura ng posisyon ng iyong paa.
-
Hindi matatag ang iyong paa kapag humahakbang ka.
-
Mayroon kang mga senyales ng impeksyon, gaya ng:
-
Mas malalang pananakit, pamamaga, paghapdi o pamumula.
-
Pamumula mula sa bahaging namamaga.
-
Paglabas ng nana mula sa isang bahagi ng iyong paa.
-
Lagnat.
-
Namamanhid o namimintig ang iyong paa.
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Hulyo 17, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.