Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tinedyer na Nagpapagaling Mula sa Depresyon: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Teens Recovering From Depression: Care Instructions

Pangkalahatang-ideya

../images/4442e9dbed46699cf8340cddb5b02db8.jpg

Mahalaga ang pangangalaga sa iyong sarili habang nagpapagaling ka mula sa depresyon. Sa kalaunan, maaaring mawala ang iyong mga sintomas habang nagpapagamot. Huwag sumuko. Sa halip, ituon ang iyong lakas sa pagpapagaling.

Maaaring bumuti ang iyong mood sa paglipas ng panahon. Magtuon sa mga bagay na makatutulong na bumuti ang iyong pakiramdam, tulad ng pagiging kasama ang mga kaibigan at kapamilya, pagkain nang mabuti, at pagkakaroon ng sapat na pahinga. Ngunit dahan-dahanin ang mga bagay-bagay. Huwag gumawa nang labis-labis nang masyadong maaga. Maaaring magsimulang bumuti ang iyong pakiramdam nang paunti-unti.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan. Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan ng mga iniinom mong gamot.

Paano mo aalagaan ang iyong sarili sa bahay?

Maging makatotohanan

  • Kung mayroon kang malaking gawain na gagawin, hatiin ito sa mas maliliit na hakbang na kaya mong gawin. At gawin lamang ang iyong makakaya.

  • Pag-isipan ang pagpapaliban ng mga mahahalagang desisyon hanggang mawala ang iyong depresyon. Kung mayroon kang mga plano na magkakaroon ng malaking epekto sa iyong buhay, tulad ng pagdrop-out sa paaralan o pagpili ng kolehiyo, subukang maghintay nang kaunti. Pag-usapan ito kasama ang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong sa iyo na tingnan ang pangkalahatang sitwasyon.

  • Humingi ng tulong sa mga tao. Huwag ibukod ang iyong sarili. Hayaang tulungan ka ng iyong pamilya at mga kaibigan. Humanap ng mga taong mapagkakatiwalaan mo at mapagtatapatan, at kausapin sila.

  • Maging matiyaga, at maging mabait sa iyong sarili. Tandaan na hindi mo kasalanan ang depresyon at hindi ito isang bagay na malalampasan mo nang lakas ng loob lamang. Mahalaga ang paggamot para sa depresyon, katulad lamang ng anumang iba pang sakit. Magtatagal ang pagbuti ng pakiramdam. Unti-unting bubuti ang iyong mood

Manatiling aktibo

  • Manatiling abala at lumabas. Sumali sa isang club ng paaralan, o makibahagi sa paaralan, simbahan, o iba pang aktibidad na panglipunan. Maging isang boluntaryo.

  • Mag-ehersisyo nang marami araw-araw. Maglakad o mag-jog, magbisikleta, o maglaro ng sports kasama ang mga kaibigan, Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa isang programa ng ehersisyo. Makatutulong ang ehersisyo sa banayad na depresyon.

  • Hilingin sa iyong kaibigan na gawin ang mga bagay na ito kasama mo. Maaari kang maglaro ng laro sa computer, mamili, o makinig ng musika, halimbawa.

Ingatan ang iyong sarili

  • Kumain ng balanseng diyeta na may maraming sariwang prutas at gulay, buong butil, at purong laman na protina. Kung nawalan ka ng gana, kumain ng kaunting meryenda kaysa mararaming pagkain.

  • Huwag uminom ng alak o gumamit ng mga droga.

  • Matulog nang sapat. Kung mayroon kang mga problema sa pagtulog, subukang panatilihing madilim at tahimik ang iyong kuwarto, matulog sa parehong oras sa bawat gabi, bumangon sa parehong oras sa bawat umaga, at iwasang uminom ng mga inuming may caffeine pagkalipas ng 5 p.m.

  • Iwasan ang mga tabletang pampatulog maliban kung inireseta ang mga ito ng doktor na gumagamot ng iyong depresyon. Maaari kang mahilo sa araw dahil sa mga tabletang pampatulog. At maaari itong magkaroon ng reaksyon sa ibang gamot na iniinom mo.

  • Kung mayroon kang iba pang sakit, tulad ng diabetes, tiyaking ipagpatuloy ang iyong paggamot. Sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng gamot na ininom mo, kabilang ang mga gamot na mayroon o walang reseta.

Sundin ang iyong plano ng paggamot

  • Kung nagreseta ng gamot ang iyong doktor, inumin ito nang eksakto ayon sa inireseta. Tumawag sa iyong doktor kung sa palagay mo ay nagkakaproblema ka sa iyong gamot.

    • Kung wala kang napapansing anumang pagbuti sa loob ng 3 linggo, kausapin ang iyong doktor.

    • Maaari kang makaramdam ng pagkapagod, pagkahilo, o nerbiyos dahil sa mga antidepressant. Ang ilang tao ay mayroong panunuyo ng bibig, pagtitibi, pananakit ng ulo, o pagtatae. Marami sa mga masasamang epekto ito ay banayad at kusang mawawala pagkatapos mong inumin ang gamot nang ilang linggo. Maaaring mas tumagal ang ilan. Makipag-usap sa iyong doktor kung labis kang nababahala sa mga masasamang epekto. Maaaring subukan mo ang ibang gamot.

  • Huwag uminom ng mga gamot na hindi inireseta para sa iyo. Maaaring makasagabal ito sa mga gamot na iniinom mo para sa depresyon, o maaaring palalain ng mga ito ang iyong depresyon.

  • Kung mayroon kang tagapayo, pumunta sa lahat ng iyong appointment.

  • Makipagtulungan sa iyong doktor upang gumawa ng planong pangkaligtasan. Sinasaklaw ng plano ang mga babala ng pananakit sa sarili. At inililista rito ang mga estratehiya sa pagkaya at ang mga pinagkakatiwalaang pamilya, kaibigan, at propesyonal na maaari mong lapitan kung mayroon kang mga saloobin ng pananakit sa iyong sarili.

Saan hihingi ng tulong 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo

Kung ikaw o ang isang taong kilala mo ay nagsasabi ng tungkol sa pagpapakamatay, pananakit sa sarili, krisis sa kalusugan ng isipan, krisis sa paggamit ng kontroladong kemikal, o anumang pagkabalisa, humingi kaagad ng tulong. Maaari kang:

  • Tumawag sa Suicide and Crisis Lifeline sa 988.

  • Tumawag sa 1-800-273-TALK (1-800-273-8255).

  • I-text ang HOME sa 741741 para ma-access ang Crisis Text Line.

Isaalang-alang ang pagsi-save ng mga numerong ito sa iyong telepono.

Pumunta sa 988lifeline.org para sa karagdagang impormasyon o para mag-chat online.

Kailan ka dapat tumawag para humingi ng tulong?

Tumawag 911 sa anumang oras na sa palagay mo ay maaaring kailangan mo ng pangangalagang pang-emergency. Halimbawa, tumawag kung:

  • Nag-iisip ka tungkol sa pagpapakamatay o nagbabanta ng pagpapakamatay.

  • Sa palagay mo ay hindi mo mapigilan ang pananakit sa iyong sarili o sa ibang tao.

  • Nakakarinig ka o nakakakita ng mga bagay na hindi totoo.

  • Nag-iisip o nagsasalita ka sa kakaibang paraan na hindi mo karaniwang pag-uugali.

Saan hihingi ng tulong 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo

Kung ikaw o ang isang taong kilala mo ay nagsasabi ng tungkol sa pagpapakamatay, pananakit sa sarili, krisis sa kalusugan ng isipan, krisis sa paggamit ng kontroladong kemikal, o anumang pagkabalisa, humingi kaagad ng tulong. Maaari kang:

  • Tumawag sa Suicide and Crisis Lifeline sa 988.

  • Tumawag sa 1-800-273-TALK (1-800-273-8255).

  • I-text ang HOME sa 741741 para ma-access ang Crisis Text Line.

Isaalang-alang ang pagsi-save ng mga numerong ito sa iyong telepono.

Pumunta sa 988lifeline.org para sa karagdagang impormasyon o para mag-chat online.

Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang pangangalagang medikal kung:

  • Nagsasalita o nagsusulat ka tungkol sa kamatayan.

  • Umiinom ka ng maraming alak o gumagamit ng mga droga.

Bantayang mabuti ang mga pagbabago sa iyong kalusugan, at tiyaking makipag-ugnayan sa iyong doktor kung:

  • Nahihirapan ka o nagiging mas mahirap na makisalamuha sa paaralan, trabaho, pamilya, o kaibigan.

  • Iniiisip mo na hindi nakakatulong ang iyong paggamot o hindi ka gumagaling.

  • Lumalala ang iyong mga sintomas o nagkakaroon ka ng mga bagong sintomas.

  • Mayroon kang anumang problema sa iyong mga gamot na antidepressant, tulad ng masasamang epekto, o iniisip mo ang tungkol sa paghinto sa pag-inom ng iyong gamot.

  • Mayroon kang manic behavior, tulad ng pagkakaroon ng labis na enerhiya, pangangailangan ng mas kaunting tulog kaysa karaniwan, o nagpapakita ng mapanganib na pag-uugali tulad ng paggastos ng pera na wala ka o pang-aabuso sa iba nang pasalita o pisikal.

Pangkasalukuyan mula noong: Hunyo 24, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer