Vaginal Yeast Infection: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Vaginal Yeast Infection: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga
Ang vaginal yeast infection ay dulot ng masyadong maraming selyula ng yeast sa puwerta. Karaniwan ito
sa mga babae, anuman ang edad. Maaari kang maabala dahil sa pangangati, discharge mula sa puwerta at
iritasyon nito, at iba pang mga sintomas. Ngunit kadalasan naman ay hindi nagdudulot ng iba pang mga
problema sa kalusugan ang mga yeast infection.
Maaaring lumaki ang tsansang magkaroon ka ng yeast infection nang dahil sa ilang gamot. Kasama rito
ang mga antibiotic, birth control pill, hormones at steroids. Maaaring mas malamang din na magkaroon
ka ng yeast infection kung ikaw ay buntis, may diabetes, gumagamit ng douche o nagsusuot ng
masisikip na damit.
Sa pamamagitan ng paggamot, gumagaling ang karamihan sa mga kaso ng yeast infection sa loob ng 2
hanggang 3 araw.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Gamitin ang iyong mga gamot ayon mismo sa inireseta. Tawagan ang iyong doktor kung sa palagay mo
ay nagkakaproblema ka sa iyong gamot.
-
Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga gamot na mabibili nang walang reseta
(over-the-counter o OTC) para sa mga yeast infection. Maaaring mas mura ang mga ito kaysa sa mga
inireresetang gamot. Kung iinom ka ng mga OTC na gamot, basahin at sundin ang lahat ng tagubilin
na nasa label.
-
Huwag gumamit ng mga tampon habang gumagamit ng vaginal cream o suppository. Maaaring ma-absorb
ng mga tampon ang gamot. Gumamit na lang ng mga napkin.
-
Magsuot ng maluluwag at cotton na damit. Huwag magsuot ng nylon o iba pang tela na nagta-trap ng
init at moisture ng katawan malapit sa balat.
-
Subukang matulog nang walang suot na panloob.
-
Huwag magkamot. Bawasan ang pangangati sa pamamagitan ng paglalagay ng cold pack o paliligo ng
malamig na tubig.
-
Huwag magkawkaw nang mahigit sa isang beses sa isang araw. Gumamit ng tubig o ng hindi matapang
at walang amoy na sabon. Hayaang matuyo ang puwerta sa hangin.
-
Palitan agad ang basang bathing suit pagkatapos lumangoy.
-
Huwag makipagtalik hanggang sa matapos mo ang iyong paggamot.
-
Huwag gumamit ng douche.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Nobyembre 27, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.