Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Atopic Dermatitis sa Mga Bata: Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Eczema in Children: Care Instructions

Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Ang atopic dermatitis (tinatawag ding eczema) ay isang sakit sa balat na nagdudulot ng matinding pangangati at mapupulang butlig. Maaaring magkaroon ng maliliit na paltos ang butlig, na maaaring magbakbak o magbalat. Ang mga batang may ganitong kundisyon ay mukhang may napakasensitibong immune system na malamang na magkaroon ng reaksyon sa mga bagay na nagdudulot ng mga allergy. Ang immune system ay ang paraan ng katawan upang labanan ang impeksyon. Kadalasan, ang mga batang may atopic dermatitis ay may hika o hay fever at iba pang mga allergy, kasama na ang mga allergy sa pagkain.

Walang lunas para sa atopic dermatitis, ngunit maaaring makontrol mo ito. Maaaring mawala ang kundisyon sa paglaki ng ilang bata.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang napakahalagang bahagi ng paggamot at kaligtasan ng iyong anak. Siguraduhin na makakapagpaiskedyul ka ng pagpapatingin, mapupuntahan mo ang lahat ng ito, at matatawagan mo ang iyong doktor kung nagkakaproblema ang iyong anak. Mabuti ring alamin ang mga resulta ng mga pagsusuri ng iyong anak at magtabi ng listahan ng mga gamot na iniinom ng iyong anak.

Paano mo mapangagalagaan ang iyong anak sa bahay?

  • Gumamit ng moisturizer kahit dalawang beses lang sa isang araw.

  • Kung nagreseta ng cream ang iyong doktor, gamitin ito gaya ng itinuro. Kung nagreseta ng ibang gamot ang iyong doktor, ipagamit ito gaya mismo ng itinuro.

  • Paliguin ang iyong anak sa maligamgam (hindi mainit) na tubig. Huwag gumamit ng mga bath oil. Limitahan ang bawat pagligo sa 5 minuto.

  • Huwag gumamit ng sabon sa tuwing maliligo. Kapag kailangan mo ng sabon, gumamit ng cleanser na hindi matapang at hindi nakakatuyo ng balat gaya ng Aveeno, Basis, Dove o Neutrogena.

  • Maglagay ng moisturizer pagkatapos maligo. Gumamit ng cream gaya ng Lubriderm, Moisturel o Cetaphil na hindi nakakairita sa balat o nagdudulot ng butlig. Ilagay ang cream habang mamasa-masa pa ang balat ng iyong anak pagkatapos mo siyang punasan ng tuwalya.

  • Lagyan ng malamig at basang tela ang butlig upang mabawasan ang pangangati.

  • Panatilihing maikli at pantay ang mga kuko ng iyong anak upang makatulong na makaiwas sa pagkakamot. Ang pagsusuot ng mga guwantes o cotton na medyas sa mga kamay ay maaaring makatulong na makaiwas ang iyong anak na kamutin ang mga butlig.

  • Labhan ang mga damit at kubrekama gamit ang hindi matapang na sabong panlaba. Gumamit ng walang amoy na fabric softener. Pumili ng damit at kubrekamang gawa sa malambot na tela.

  • Kung masyadong makati ang butlig, kumonsulta sa iyong doktor bago mo bigyan ng antihistamine na mabibili nang walang reseta ang iyong anak gaya ng Benadryl o Claritin. Makakatulong ito na mabawasan ang pangangati sa ilang bata. Sa iba, halos wala o wala talaga itong epekto. Basahin at sundin ang lahat ng tagubilin na nasa label.

Kailan ka dapat humingi ng tulong?

Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:

  • May butlig o lagnat ang iyong anak.

  • May mga bagong paltos o sugat ang iyong anak, o kumalat ang kanyang butlig at mukha itong sunburn.

  • Ang iyong anak ay may mga sugat na natutuklap o nagtutubig.

  • Ang iyong anak ay may nararamdamang pananakit sa kasu-kasuan o sa katawan na may kasamang butlig.

  • Ang iyong anak ay may mga senyales ng impeksyon. Kasama sa mga ito ang:

    • Mas malalang pananakit, pamamaga, pamumula o paghapdi sa paligid ng butlig.

    • Pamumula nang dahil sa butlig.

    • Paglabas ng nana mula sa butlig.

    • Lagnat.

Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa kalusugan ng iyong anak, at siguraduhing tawagan ang iyong doktor kung:

  • Hindi gumaling ang butlig pagkalipas ng 2 o 3 linggong paggamot sa bahay.

  • Hindi mo makontrol ang pangangati ng iyong anak.

  • Nagkakaproblema ang iyong anak sa gamot.

Pangkasalukuyan mula noong: Nobyembre 16, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer