Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-alam ng Tungkol sa Pagbibilang ng Carbohydrate (Carb) at Pagkain sa Labas Kapag Mayroon Kang Diyabetes

Learning About Carbohydrate (Carb) Counting and Eating Out When You Have Diabetes

Bakit dapat planuhin ang iyong mga meal?

../images/548e8be305beb8dc711be88b7416d185.jpg

Ang pagpaplano ng meal ay maaaring maging mahalagang bahagi ng pagkontrol sa diyabetes. Ang pagpaplano ng mga meal at meryenda nang may wastong balanse ng carbohydrate, protina, at fat ay makakatulong sa iyong mapanatili ang iyong asukal sa dugo sa target na antas na itinakda mo kasama ng iyong doktor.

Hindi mo kailangang kumain ng mga espesyal na pagkain. Maaari mong kainin kung ano ang kinakain ng iyong pamilya, kabilang ang matatamis paminsan-minsan. Pero kailangan mong pagtuunan ng pansin kung gaano ka kadalas na kumakain ng ilang partikular na pagkain at gaano karami ang nakakain mo na mga ganitong pagkain.

Maaari kang makipagtulungan sa isang dietitian o certified na educator sa diyabetes. Mabibigyan ka niya ng mga tip at ideya sa meal at masasagot niya ang iyong mga tanong tungkol sa pagpaplano ng meal. Matutulungan ka rin ng propesyonal sa kalusugan na ito na makamit ang malusog na timbang kung isa iyon sa mga layunin mo.

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa pagkain ng carbs?

Ang pagkontrol sa dami ng kinakain mong carbohydrate (carbs) ay mahalagang bahagi ng mga pagkaing mainam sa kalusugan kapag mayroon kang diabetes. May carbohydrate ang maraming pagkain.

  • Alamin kung aling mga pagkain ang may carbs. At alamin ang dami ng carbs sa iba't ibang pagkain.

    • May humigit-kumulang 15 gramo ng carbs sa isang serving ng tinapay, cereal, pasta at kanin. Ang isang serving ay 1 pirasong tinapay (1 onsa), ½ tasa ng lutong cereal o 1/3 na tasa ng lutong pasta o kanin.

    • May 15 gramo ng carbs sa bawat serving ng mga prutas. Ang isang serving ay 1 maliit na sariwang prutas, gaya ng mansanas o orange; ½ ng saging; ½ tasa ng niluto o de-latang prutas; ½ tasa ng fruit juice; 1 tasa ng melon o raspberry; o 2 kutsarita ng pinatuyong prutas.

    • May 15 gramo ng carbs sa isang serving ng gatas at yogurt na hindi nilagyan ng asukal. Ang isang serving ay 1 tasa ng gatas at o 2/3 na tasa ng yogurt na hindi nilagyan ng asukal.

    • May 15 gramo ng carbs sa mga gulay na mayaman sa starch. Ang isang serving ay ½ tasa ng dinurog na patatas o kamote; 1 tasa ng kalabasa; ½ ng maliit na patatas na na-bake; ½ tasa ng lutong beans; o ½ tasa ng lutong mais o berdeng gisantes.

  • Alamin kung gaano karaming carbs ang dapat mong kainin bawat araw at bawat oras ng pagkain. Matuturuan ka ng isang dietitian o CDE kung paano subaybayan ang dami ng carbs na kinakain mo. Tinatawag itong carbohydrate counting (pagbibilang ng carbohydrate).

  • Kung hindi ka sigurado kung paano magbilang ng mga gramo ng carbohydrate, gamitin ang Plate Method sa pagpaplano ng mga pagkain. Isa itong mainam at mabilis na paraan ng pagtiyak na balanse ang iyong kinakain. Tumutulong din ito sa iyong unti-untiin ang pagkain ng carbs sa maghapon.

    • Hatiin ang iyong plato ayon sa mga uri ng mga pagkain. Maglagay ng mga gulay na hindi mayaman sa starch sa kalahati ng plato, karne o iba pang pagkaing mayaman sa protina sa isang kapat na bahagi ng plato, at grain o gulay na mayaman sa starch sa natitirang isang kapat na bahagi ng plato. Maaari mo itong dagdagan ng isang piraso ng maliit na prutas at 1 tasa ng gatas o yogurt, depende sa dami ng carbs na dapat mong kainin sa isang kainan.

  • Subukang kumain ng hindi nagkakalayong dami ng carbs sa bawat oras ng pagkain. Huwag "tipirin" ang iyong pang-araw-araw na limitasyon sa carbs at saka kumain ng marami sa isang kainan.

  • Ang mga pagkaing mayaman sa protina ay may napakakaunti o wala talagang carbs sa bawat serving. Ang mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa protina ang karne, manok, pabo, isda, itlog, tokwa, keso, kesong puti at peanut butter. Ang laki ng isang serving ng karne ay may timbang na 3 onsa, na halos kasinglaki ng isang deck ng mga baraha. Ang mga halimbawa ng laki ng bawat serving ng mga pagkaing maaaring ipalit sa karne (katumbas ng 1 onsa ng karne) ay 1/4 na tasa ng kesong puti, 1 itlog, 1 kutsarita ng peanut butter at ½ tasa ng tokwa.

Paano mo magagawang kumain sa labas nang masustansya pa rin ang iyong kinakain?

  • Alamin kung paano tantyahin ang dami ng mga pagkaing may carbohydrate sa bawat serving. Kung sinusukat mo ang iyong pagkain sa bahay, magiging mas madali ang pagtantya sa dami ng isang serving ng pagkain sa restaurant.

  • Kung masyadong maraming carbohydrate (gaya ng mga patatas, mais at na-bake na beans) sa pagkaing na-order mo, humingi na lang ng pagkaing mababa sa carbohydrate. Mag-order ng salad o mga berdeng gulay.

  • Kung gumagamit ka ng insulin, alamin ang iyong blood sugar bago at pagkatapos kumain upang makatulong sa pagpaplano mo kung gaano karami pa ang maaari mong kainin sa hinaharap.

  • Kung mas maraming carbohydrate ang kinain mo sa isang kainan kumpara sa pinlano mo, maglakad-lakad o sumubok ng iba pang ehersisyo. Makakatulong ito sa pagpapababa ng iyong blood sugar.

Ano ang ilang tip para sa masustansyang pagkain?

  • Limitahan ang saturated fat, gaya ng fat mula sa karne at mga produktong gawa sa gatas. Isa itong desisyong mainam sa kalusugan dahil mas mataas ang panganib sa sakit sa puso ng mga taong may diyabetes. Kung kaya naman, pumili ng mga lean cut ng karne at nonfat o low-fat na produktong gawa sa gatas. Gumamit ng olive o canola oil sa halip na butter o shortening kapag nagluluto.

  • Huwag lumaktaw ng mga meal. Maaaring labis na bumaba ang iyong asukal sa dugo kung lalaktaw ka ng mga meal at gagamit ka ng insulin o ilang partikular na gamot para sa diyabetes.

  • Magtanong sa iyong doktor bago ka uminom ng alak. Maaaring magsanhi ang alak ng labis na pagbaba ng iyong asukal sa dugo. Maaari ding magsanhi ng hindi kaaya-ayang reaksyon ang alak kung gumagamit ka ng ilang partikular na gamot sa diyabetes.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan. Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan ng mga iniinom mong gamot.

Pangkasalukuyan mula noong: Setyembre 20, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer