Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ankle Sprain (Pilay sa Bukung-bukong): Mga Tagubilin sa Pangangalaga

Ankle Sprain: Care Instructions

Mga Tagubilin para sa Iyong Pangangalaga

../images/7dae92f4fd488c31ed0e29da9fcf99b5.jpg

Ang isang ankle sprain (pilay sa bukung-bukong) ay nangyayari kapag napihit mo ang iyong bukung-bukong. Ang mga litid na sumusuporta sa bukung-bukong ay maaaring mainat at mapunit. Madalas ang bukung-bukong ay maga at masakit.

Ang ankle sprain ay maaaring abutin ng ilang linggo hanggang ilang buwan bago gumaling. Kadalasan, kung mas matindi ang pananakit at pamamaga, ganoon kalubha ang iyong ankle sprain at mas matatagalan ito bago gumaling. Mas mabilis kang gagaling at mapanunumbalik ang lakas sa iyong bukung-bukong sa tulong ng mahusay na paggamot sa bahay.

Napakahalagang bigyan ng sapat na panahon ang iyong bukung-bukong na gumaling nang husto, para hindi mo muling mapipinsala ito.

Ang follow-up na pangangalaga ay mahalagang bahagi ng iyong paggagamot at kaligtasan. Tiyakin na dumating sa lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Magandang ideya rin na alamin ang mga resulta ng mga pagsusuri sa iyo at magtabi ng lista ng mga gamot na iyong iniinom.

Paano mong maaalagaan ang iyong sarili sa tahanan?

  • Iangat sa mga unan ang iyong paa hangga't maaari sa susunod na 3 araw. Subukang panatiliing mas mataas ang bukung-bukong kaysa sa puso mo. Makatutulong itong makabawas sa pamamaga.

  • Sundin ang tagubilin ng iyong doktor sa pagsuot ng splint o elastic bandage. Maaaring makatulong ang pagbalot sa bukung-bukong na mabawasan o maiwasan ang pamamaga.

  • Maaaring bigyan ka ng iyong doktor ng splint, brace, air stirrup, o iba pang anyo ng suporta para protektahan ang iyong bukung-bukong hanggang sa maghilom ito. Isuot ito nang ayon sa pagkakatagubilin habang naghihilom ang iyong bukung-bukong. Huwag tatanggalin maliban kung sasabihin ng iyong doktor. Pagkaraang maghilom ang iyong bukung-bukong, itanong sa iyong doktor kung dapat mong isuot ang brace kapag nag-eehersisyo ka.

  • Lagyan ng yelo o mga cold pack ang bukung-bukong na may pinsala nang 10 hanggang 20 minuto. Subukang gawin ito bawat 1 hanggang 2 oras para sa susunod na 3 araw (kapag gising ka) o hanggang sa umimpis ang pamamaga. Maglagay ng manipis na tela sa pagitan ng yelo at balat mo.

  • Maaaring mangailangan ka ng saklay hanggang sa makalakad ka nang walang pananakit. Kung gumagamit ka ng saklay, subukang lagyan ng bigat ang napinsalang bukung-bukong kung magagawa mo ito nang hindi nasasaktan. Nakatutulong ito na maghilom ang bukung-bukong.

  • Uminom ng gamot para sa pananakit ayon mismo sa pagkakatagubilin.

    • Kung resetahan ka ng doktor ng gamot sa pananakit, inumin ito ayon sa pagkakareseta.

    • kung hindi ka umiinom ng niresetang gamot sa pananakit, itanong sa iyong doktor kung maaari kang uminom ng gamot na nabibili nang walang reseta (over-the-counter).

  • Kung binigyan ka ng mga ehersisyo sa bukung-bukong para gawin sa bahay, gawin ang mga ito ayon mismo sa pagkakatagubilin. Makatutulong ito sa pagpapagaling at sa pag-iwas sa pangmatagalang panghihina.

Kailan ka dapat humingi ng tulong?

Tawagan ngayon ang iyong doktor o humingi ng agarang pangangalagang medikal kung:

  • Lumalala ang pananakit na nadarama.

  • Lumalala ang pamamaga.

  • Masyadong mahigpit ang iyong splint at hindi mo ito maluwangan.

Manmanang mabuti ang mga pagbabago sa iyong kalusugan, at tiyaking makipag-ugnayan sa iyong doktor kung:

  • Hindi bumuti ang iyong pakiramdam makalipas ang 1 linggo.

Pangkasalukuyan mula noong: Hulyo 17, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer