Vertigo: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Vertigo: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga
Ang vertigo ay pakiramdam na ang iyong paligid ay gumagalaw kahit hindi naman talaga ito gumagalaw.
Karaniwan itong inilalarawan bilang pakiramdam na parang umiikot, nahuhulog o tumatagilid. Maaari
kang masuka o makaramdam ng pagduduwal dahil sa vertigo. Maaaring mahirapan kang tumayo o maglakad
at maaari kang mawalan ng balanse.
Ang vertigo ay kadalasang nauugnay sa problema sa loob ng tainga, ngunit maaaring dulot din ito ng
mas malalang mga dahilan. Kung magpapatuloy ang vertigo, maaaring mangailangan ka ng mas maraming
pagsusuri upang malaman ang dahilan nito.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Huwag humiga. Sumandal o iangat nang kaunti ang iyong sarili. Maaaring mabawasan nito ang
pakiramdam ng pag-ikot. Idilat ang iyong mga mata.
-
Kung kailangang gumalaw, gawin ito nang dahan-dahan, upang hindi ka matumba.
-
Kung magrerekomenda ng gamot ang iyong doktor, inumin ito gaya mismo ng itinuro.
-
Huwag magmaneho habang nakakaranas ka ng vertigo.
Nakakatulong ang ilang partikular na ehersisyo, gaya ng tinatawag na mga Brandt-Daroff na ehersisyo,
na mabawasan ang vertigo. Upang isagawa ang mga Brandt-Daroff na ehersisyo:
-
Umupo sa gilid ng higaan o sofa at humiga nang mabilis sa bahagi kung saan pinakamalala ang
vertigo. Humiga nang patagilid nang nasa ibaba ang isang tainga.
-
Manatili sa ganitong posisyon nang hindi bababa sa 30 segundo hanggang sa mawala ang vertigo.
-
Umupo. Kung nagdudulot ito ng vertigo, hintayin itong tumigil.
-
Ulitin ang proseso sa kabilang bahagi.
-
Ulitin ito nang 10 na beses. Gawin ang mga ehersisyong ito 2 beses sa isang araw hanggang sa
mawala ang vertigo.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa tingin mo ay maaaring kailanganin mo ng pang-emergency na
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Nangyayari ang vertigo kasabay ng lagnat, sakit ng ulo o umuugong na tunog sa iyong mga tainga.
-
Naduduwal o nagsusuka ka na naman o lumala ang iyong pagduduwal o magsusuka.
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Setyembre 27, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.