Mga Pag-uunat ng Balikat: Mga Ehersisyo
Shoulder Stretches: Exercises
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga
Narito ang ilang halimbawa ng mga ehersisyo para sa iyong balikat. Dahan-dahang simulan ang bawat
ehersisyo. Magdahan-dahan sa pag-eehersisyo kapag nagsimula kang makaramdam ng pananakit.
Sasabihin sa iyo ng iyong doktor o physical therapist kung kailan mo maaaring simulan ang mga
ehersisyong ito at kung alin sa mga ito ang magiging pinakamainam para sa iyo.
Paano gawin ang mga ehersisyo
Pag-uunat ng balikat:

-
Tumayo sa pintuan at ilagay ang isang braso sa hamba ng pinto. Dapat ay bahagyang mas mataas
ang iyong siko kaysa sa iyong balikat.
-
Ipahinga ang iyong mga balikat habang humihilig ka paharap, at naiuunat ang iyong dibdib at
balikat. Maaari mo ring bahagyang ilayo ang iyong katawan mula sa iyong braso upang mas
maiunat ang mga kalamnan.
-
Manatili sa ganitong posisyon nang 15 hanggang 30 segundo.
-
Ulitin nang 2 hanggang 4 na beses sa bawat braso.
Pag-uunat ng balikat at dibdib

-
Pag-uunat ng balikat at dibdib
-
Habang nakaupo, ipahinga ang itaas na bahagi ng iyong katawan upang makagalaw ka nang maayos
sa iyong upuan.
-
Habang nag-i-inhale ka, idiretso ang iyong likod at ilagay ang iyong mga braso sa gilid.
-
Dahan-dahang hilahin palikod at pababa ang iyong mga shoulder blade.
-
Manatili sa ganitong posisyon nang 15 hanggang 30 segundo, habang humihinga ka nang normal.
-
Ulitin nang 2 hanggang 4 na beses.
Pag-uunat ng kamay at braso pataas

-
Iunat pataas ang magkabilang braso.
-
Manatili sa ganitong posisyon nang 15 hanggang 30 segundo.
-
Ulitin nang 2 hanggang 4 na beses.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Pangkasalukuyan mula noong: Hulyo 17, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.
© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.