Narito ang ilang halimbawa ng mga karaniwang ehersisyo para sa rehabilitasyon sa iyong kundisyon.
Dahan-dahang simulan ang bawat ehersisyo. Magdahan-dahan sa pag-eehersisyo kapag nagsimula kang
makaramdam ng pananakit.
Sasabihin sa iyo ng iyong doktor o physical therapist kung kailan mo maaaring simulan ang mga
ehersisyong ito at kung alin sa mga ito ang magiging pinakamainam para sa iyo.
-
Isulat sa hangin ang mga titik ng alpabeto gamit ang iyong paa. Makakatulong ito sa iyong
bukong-bukong na makagalaw sa lahat ng direksyon.
-
Umupo sa upuan nang nakalapat ang paa sa sahig.
-
Dahan-dahang igalaw ang iyong tuhod sa magkabilang direksyon. Panatilihing nakalapat ang
iyong paa.
-
Ipagpatuloy ang ehersisyong ito nang 2 hanggang 3 minuto.
-
Habang nakaupo, ilagay ang iyong paa sa tuwalyang nakalatag sa sahig. Tupi-tupiin ang
tuwalya palapit sa iyo gamit ang iyong mga daliri sa paa.
-
Pagkatapos ay gamitin ang iyong mga daliri sa paa upang itulak papalayo ang tuwalya.
-
Upang maging mas mahirap ang ehersisyong ito, maaari kang maglagay ng bagay sa kabilang gulo
ng tuwalya. Maaaring naaangkop ang timbang ng isang delata para dito.
-
Umupo nang nakadiretso ang iyong binti at tuhod.
-
Maglagay ng tuwalya sa paligid ng iyong paa sa may mga daliri sa paa
-
Hawakan ang magkabilang dulo ng tuwalya, habang nakapatong sa tuhod ang iyong mga kamay.
-
Hatakin ang tuwalya nang maiunat ang iyong paa papalapit sa iyo.
-
Manatili sa ganitong posisyon nang hindi bababa sa 15 hanggang 30 segundo.
-
Ulitin nang 2 hanggang 4 na beses sa bawat session. Gumawa ng hanggang 5 session sa isang
araw.
-
Magsimula sa pamamagitan ng pag-upo nang nakalapat ang iyong paa sa sahig. Itulak ang iyong
paa sa pader o kagamitang nakapirmi sa lugar nito. Manatili sa ganitong posisyon nang
humigit-kumulang 6 na segundo, pagkatapos ay ipahinga ang paa. Ulitin nang 8 hanggang 12
beses.
-
Pagkatapos mong maging kumportable rito, subukang gumamit ng rubber tubing na nakaikot sa
iyong paa para sa pagpigil (resistance). Iunat ang iyong paa sa magkabilang direksyon nang
pasalungat sa tubing, at pagkatapos ay bumilang nang hanggang 10 habang dahan-dahan mong
ibinabalik sa gitna ang iyong paa. Ulitin nang 8 hanggang 12 beses.
-
Habang nakaupo, pagtabihin ang iyong paa nang nakalapat ang mga ito sa sahig.
-
Idiin ang iyong may pinsalang paa sa kabilang paa. Manatili sa ganitong posisyon nang
humigit-kumulang 6 na segundo, pagkatapos ay ipahinga ang paa. Ulitin nang 8 hanggang 12
beses.
-
Pagkatapos ay ipatong ang sakong ng iyong kabilang paa sa itaas ng may pinsalang paa. Idiin
ang nasa itaas na paa habang sinusubukang iangat ang may pinsalang paa. Manatili sa ganitong
posisyon nang humigit-kumulang 6 na segundo, pagkatapos ay ipahinga ang paa. Ulitin nang 8
hanggang 12 beses.
-
Umupo sa sahig nang nakapatong ang walang pinasalang binti sa kabila mong binti.
-
Hawakan ang magkabilang dulo ng isang exercise band at iikot ang band papaloob sa iyong may
pinsalang paa. Pagkatapos ay idiin ang kabila mong paa sa band.
-
Habang nakaekis pa rin ang iyong mga binti, dahan-dahang iunat ang iyong may pinsalang paa
sa band nang sa gayon ay mapunta ito sa kabilang direksyon ng kabilang paa. Pagkatapos ay
dahan-dahang ipahinga ang paa.
-
Ulitin nang 8 hanggang 12 beses.
-
Umupo sa sahig nang nakadiretso ang mga binti.
-
Hawakan ang magkabilang dulo ng isang exercise band at iikot ang band papalabas sa iyong may
pinsalang paa. Pagkatapos ay idiin ang kabila mong paa sa band.
-
Habang pinapanatiling diretso ang iyong binti, dahan-dahang idiin ang iyong may pinasalang
paa sa band at palayo sa iyong kabilang paa nang pinapanatiling nakapirmi at hindi
tumatabingi ang iyong binti. Pagkatapos ay dahan-dahang ipahinga ang paa.
-
Ulitin nang 8 hanggang 12 beses.
-
Itali ang magkabilang dulo ng isang exercise band upang makagawa ng bilog. Ikabit ang
kabilang dulo ng bilog sa isang nakapirming bagay o iipit ito sa pinto nang hindi ito
gumalaw. (O maaari mo ring ipahawak sa iba ang kabilang bahagi ng bilog upang hindi ito
gumalaw.)
-
Habang nakaupo sa sahig o sa isang upuan, ilagay ang kabilang dulo ng band sa itaas ng iyong
may pinsalang paa.
-
Habang pinapanatili mong nakadiretso ang iyong tuhod at binti, dahan-dahang i-flex ang iyong
paa upang mabatak ang exercise band, at pagkatapos ay ipahinga ang iyong paa.
-
Ulitin nang 8 hanggang 12 beses.
-
Tumayo sa isang patag na surface habang nakadipa ang iyong mga kamay na parang gumagawa ka
ng titik "T." Pagkatapos ay iangat ang iyong walang pinsalang paa sa pamamagitan ng pagtupi
ng iyong tuhod. Kung nawawalan ka ng balanse, gamitin ang isang kamay upang humawak sa
upuan, counter o pader.
-
Habang nakatayo sa iyong paa na may pinsala sa bukong-bukong, panatilihing nakadiretso ang
tuhod. Subukang magbalanse gamit ang binting iyon nang hanggang 30 segundo. Pagkatapos ay
ipahinga ang paa nang hanggang 10 segundo.
-
Ulitin nang 6 hanggang 8 beses.
-
Kapag nakakapagbalanse ka gamit ang iyong may pinsalang paa nang 30 segundo nang nakadilat
ka, subukang magbalanse rito nang nakapikit.
-
Kapag madali mo nang nagagawa nang walang pananakit ang ehersisyong ito nang nakapikit ka sa
loob ng 30 segundo, subukang tumayo sa isang unan o foam, at ulitin ang hakbang 1 hanggang
4.
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.