Pag-alam Tungkol sa Pagbabalik sa Aktibidad Pagkatapos ng Injury
Learning About Returning to Activity After Injury
Ano ang mahalagang malaman tungkol sa paggaling ng iyong injury?

Panahon ang kailangan bago gumaling ang injury. Puwedeng mas matagal ang paggaling kaysa sa inaasahan
mo. Baka matukso kang bumalik sa iyong normal na mga gawain bago ka lubusang gumaling.
Ngunit kapag napuwersa ang injury, mas tumatagal itong gumaling. At puwedeng mas lumala ang iyong
injury kaysa sa karaniwan.
Mas mabilis na gumagaling ang injury kapag binibigyan mo ito ng pahinga at espesyal na pangangalaga
na kailangan nito. Matutulungan ka ng iyong doktor na malaman kung kailan ka handa nang unti-unting
bumalik sa iyong normal na aktibidad.
Paano mo matutulungan ang napinsalang sakong?
Mapapabilis mo ang paggaling sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga galaw na magpapalala nito. Mahalaga
rin na sundin ang mga tagubilin ng iyong doktor.
-
Tanungin ang iyong doktor kung maaari kang uminom ng over-the-counter na gamot sa pananakit,
gaya ng acetaminophen (Tylenol), ibuprofen (Advil, Motrin), o naproxen (Aleve). Mag-ingat sa
paggamit ng mga gamot. Basahin at sundin ang lahat ng tagubiling nasa etiketa.
-
Maglagay ng yelo o cold pack sa bahagi nang 10 hanggang 20 minuto sa bawat pagkakataon upang
maibsan ang kirot. Maglagay ng manipis na tela sa pagitan ng yelo at ng iyong balat.
-
Kung binigyan ka ng doktor mo ng splint, isang pares ng saklay, o sling, gamitin ito ayon sa
itinagubilin.
Puwedeng makatulong sa iyo ang physical o occupational therapy na matutunan kung paano gagalaw sa mga
bagong paraan at para gumaling ang injury. Kung binigyan ka ng mga ehersisyo na gagawin, dahan-dahan
itong gawin. Simulan ang bawat ehersisyo nang dahan-dahan. Dahan-dahanin ang mga ehersisyo kung
magsimula kang makaramdam ng pananakit. Kapag ginagawa mo ang mga rutinang ehersisyo, gawin ang mga
ito nang madalas at hangga't itinatagubiling gawin.
Habang nagpapagaling ka, nakakatulong din ito na makapanatiling naigagalaw ang ibang bahagi ng iyong
katawan. Isang physical therapist ang posibleng magmungkahi sa iyo ng ibang ehersisyo o mga paraan
ng mga bagay upang mapanatili ang iyong lakas at enerhiya.
Paano ka babalik sa iyong aktibidad?
Marahang bumalik sa normal na aktibidad hindi mo ulit mapinsala ang iyong sarili. Posibleng mas
mahirap pagalingin ang ang muling pagkapinsala kaysa sa orihinal na injury.
Kung babalik ka sa sport, gawin ito ng baytang-baytang. Matutulungan ka ng isang tagapagsanay o
physical therapist na magawa ito nang ligtas. Magsimula sa maikli at madadaling galaw o workout.
Pagkatapos ay unti-unting dagdagan sa paglipas ng panahon.
-
Mag-warm up bago simulan ang aktibidad at mag-stretch pagkatapos.
-
Ihinto ang ginagawa mo kung masakit ito.
-
Kapag tapos ka na, gumamit ng yelo upang maiwasan ang kirot at pamamaga.
Makakatulong kung gagawa ng ilang pagbabago. Halimbawa, kung ang isang sport ay nagiging sanhi ng
pananakit ng litid, pansamantalang subukan ang iba. Kung nagdudulot ng kirot ang paggamit ng isang
tool, baguhin ang paghawak o gamitin ang kabilang kamay.
Kailan ka dapat tumawag para humingi ng tulong?
Bantayang mabuti ang mga pagbabago sa iyong kalusugan, at tiyaking makipag-ugnayan sa iyong doktor
kung:
-
Lumalala ang iyong mga sintomas.
-
Nagkakaroon ka ng mga bagong sintomas, tulad ng pamamanhid o panghihina.
-
Hindi ka gumagaling tulad ng inaasahan.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Pangkasalukuyan mula noong: Hulyo 19, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.