Impeksyon sa Tainga (Otitis Media) sa Mga Batang 0 hanggang 2 Taon: Mga Tagubilin sa
Pangangalaga
Ear Infection (Otitis Media) in Babies 0 to 2 Years: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Ang impeksyon sa tainga ay maaaring magsimula sa sipon at maaaring makaapekto sa panggitnang tainga.
Tinatawag itong otitis media. Maaari itong magdulot ng matinding pananakit. Ang mga batang may
impeksyon sa tainga ay kadalasang hindi mapakali at umiiyak, humihila sa kanilang mga tainga at
hindi nakakatulog nang maayos.
Karaniwan ang pagkakaroon ng mga impeksyon sa tainga sa mga sanggol at bata.
Maaaring magreseta ng mga antibiotic ang iyong doktor upang gamutin ang impeksyon sa tainga.
Karaniwang binibigyan ng antibiotic ang mga batang wala pang 6 na buwan. Kung lampas 6 na buwan na
ang iyong anak at hindi malubha ang mga sintomas, maaaring hindi kailanganin ng mga antibiotic.
Maaari ding magrekomenda ng mga gamot ang iyong doktor upang makatulong na mapahupa ang lagnat o
maibsan ang pananakit.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng paggamot at kaligtasan ng iyong
anak. Siguraduhing ipaiskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong
doktor kung nagkakaproblema ang iyong anak. Mainam ding alamin ang mga resulta ng mga pagsusuri ng
iyong anak at magtabi ng listahan ng mga gamot na iniinom ng iyong anak.
Paano mo mapangagalagaan ang iyong anak sa bahay?
-
Painumin ang iyong anak ng acetaminophen (Tylenol) o ibuprofen (Advil, Motrin) para sa lagnat,
pananakit o pagkahilo. Maging ligtas sa paggamit ng mga gamot. Basahin at sundin ang lahat ng
tagubilin na nasa label. Kung wala pang 3 buwan ang iyong anak, huwag siyang painumin ng anumang
gamot nang hindi muna kumokonsulta sa doktor.
-
Kung nagreseta ng mga antibiotic ang doktor para sa iyong anak, ibigay ito gaya ng itinuro.
Huwag ihinto ang paggamit sa mga ito dahil lang bumubuti na ang pakiramdam ng iyong anak.
Kailangang inumin ng iyong anak ang kumpletong dosis ng mga antibiotic.
-
Maglagay ng mainit-init na bimpo sa tainga ng iyong anak upang maibsan ang pananakit.
-
Subukang pagpahingahin sa tahimik na lugar ang iyong anak. Ang pagpapahinga ay makatutulong sa
katawan na malabanan ang impeksyon.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa palagay mo ay maaaring kailanganin ng iyong anak ng agarang
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Parang lumalala ang sakit ng iyong anak.
-
Nilalagnat na naman o tumaas ang lagnat ng iyong anak.
-
Lumalala ang pananakit ng tainga ng iyong anak.
-
Namumula o namamaga ang paligid o likod ng tainga ng iyong anak.
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa kalusugan ng iyong anak, at siguraduhing
tawagan ang iyong doktor kung:
-
May discharge ulit o lumala ang discharge mula sa tainga ng iyong anak.
-
Hindi bumubuti ang pakiramdam ng iyong anak pagkalipas ng 2 araw (48 oras).
-
May anumang mga bagong sintomas ang iyong anak, gaya ng mga problema sa pandinig pagkatapos
mawala ang impeksyon sa tainga.
Pangkasalukuyan mula noong: Setyembre 27, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.