Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-alam ng Tungkol sa Mataas na Kolesterol

Learning About High Cholesterol

Ano ang mataas na kolesterol?

Ang kolesterol ay isang uri ng taba sa iyong dugo. Kailangan ito para sa maraming paggana ng katawan, gaya ng paggawa ng mga bagong selyula. Ang iyong katawan ang gumagawa ng kolesterol. Galing din ito sa mga kinakain mo.

Kung masyadong maraming kolesterol sa iyong katawan, mamumuo ang mga ito sa iyong mga artery. Tinatawag itong paninigas ng mga artery, o atherosclerosis. Pinapalaki ng mataas na kolesterol ang panganib mong atakihin sa puso at ma-stroke.

May iba't ibang uri ng kolesterol. Ang LDL ang "masamang" kolesterol. Maaaring mapalaki ng mataas na LDL ang panganib mong magkaroon ng sakit sa puso, atake sa puso at stroke. Ang HDL ang "mabuting" kolesterol. Ang mataas na HDL ay nauugnay sa mas maliit na tsansang magkaroon ng sakit sa puso, atake sa puso at stroke.

Ang antas ng kolesterol mo ay makatutulong sa iyong doktor na malaman ang iyong panganib na atakihin sa puso o ma-stroke.

Paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol?

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malusog na paraan ng pamumuhay, maiiwasan mo ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol. Pinapababa ng ganitong paraan ng pamumuhay ang iyong panganib na atakihin sa puso at ma-stroke.

  • Kumain ng mga pagkaing mainam sa puso.

    • Kumain ng mga prutas, gulay, whole grain (gaya ng oatmeal), pinatuyong beans at gisantes, nuts at seeds, mga produktong gawa sa soy (gaya ng tofu), at mga produktong gawa sa gatas na fat-free o low-fat.

    • Palitan ng olive and canola oil ang mantikilya, margarine, at mga hydrogenated o partially hydrogenated oil. (Ayos lang ang canola oil margarine na walang trans fat).

    • Palitan ng isda, poultry at soy protein (gaya ng tofu) ang pulang karne.

    • Limitahan ang mga naproseso at nakapaketeng pagkain gaya ng chips, crackers at cookies.

  • Maging aktibo. Maaaring mapababa ng pag-eehersisyo ang antas ng iyong kolesterol. Mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto sa karamihan ng mga araw sa buong linggo. Magandang opsyon ang paglalakad. Maaaring gusto mo ring magsagawa ng iba pang aktibidad, gaya ng pagtakbo, paglangoy, pagbibisikleta at paglalaro ng tennis o team sport.

  • Manatili sa wastong timbang. Magbawas ng timbang kung kailangan mo.

  • Huwag manigarilyo. Kung kailangan mo ng tulong sa pagtigil, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga programa at gamot para sa pagtigil sa paninigarilyo. Mapapalaki nito ang tsansa na tuluyan mong maititigil ang iyong paninigarilyo.

Paano ginagamot ang mataas na kolesterol?

Layunin ng paggamot na mabawasan ang panganib mong atakihin sa puso o ma-stroke. Ang layunin ay hindi lang upang mapababa ang antas ng iyong kolesterol.

  • Maaari kang gumawa ng mga pagbabago sa iyong paraan ng pamumuhay, gaya ng pagkain ng masusustansyang pagkain, hindi paninigarilyo, pagbabawas ng timbang at pagiging mas aktibo.

  • Maaaring kailanganin mong uminom ng gamot.

Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan. Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan ng mga iniinom mong gamot.

Pangkasalukuyan mula noong: Hunyo 24, 2023

Bersyon ng Nilalaman: 14.0

Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong paggamit ng impormasyong ito.

© 2006-2025 Healthwise, Incorporated.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer