Mga Kaisipang Pagpapakamatay sa Iyong Anak o Tinedyer: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Suicidal Thoughts in Your Child or Teen: Care Instructions
Pangkalahatang-ideya
Ang mga bata at tinedyer na nag-iisip na magpakamatay ay madalas na nakadarama ng kawalang pag-asa,
mahina, at walang silbi. Maaaring iniisip nilang malulutas ng pagpapakamatay ang kanilang mga
problema at matatapos ang kanilang kirot. Maaaring hindi naman talaga nila gustong mamatay, ngunit
maaaring nararamdaman nila na wala nang ibang pagpipilian.
Maaaring manggaling ang mga kaisipan at pakiramdam na ito mula sa pagkakaroon ng problema sa mental
na kalusugan, tulad ng depresyon. Puwedeng gamutin ang ganitong mga problema. Sa gamutan, puwedeng
bumuti ang nararamdaman ng iyong anak.
Seryosuhin ang anumang mga pagsasabi na magpapakamatay o gustong mamatay o pagkawala, kahit pa sinabi
ito sa pabirong paraan. Huwag mangambang maging bukas sa iyong anak tungkol sa kanilang mga
nararamdaman. Marahil hindi madali na pag-usapan ang tungkol sa pagpapakamatay, ngunti makakatulong
ito na maramdaman ng iyong anak na sinusuportahan siya at may koneksyon. Makakatulong ang suporta at
koneksyon upang maprotektahan ang mga tao mula sa pagpapakamatay.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang napakahalagang bahagi ng paggamot at kaligtasan ng iyong
anak. Siguraduhin na makakapagpaiskedyul ka ng pagpapatingin, mapupuntahan mo ang lahat ng
ito, at matatawagan mo ang iyong doktor kung nagkakaproblema ang iyong anak. Mabuti ring alamin ang
mga resulta ng mga pagsusuri ng iyong anak at magtabi ng listahan ng mga gamot na iniinom ng iyong
anak.
Paano mo aalagaan ang iyong anak sa bahay?
Saan hihingi ng tulong 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo
Kung nagsasabi ng tungkol sa pagpapakamatay ang iyong anak, sasaktan ang sarili, may krisis sa
kalusugan ng isipan, krisis sa paggamit ng paggamit ng substansya, o anumang emosyonal na
kabagabagan, humingi kaagad ng tulong. Maaari kang:
-
Tumawag sa Suicide and Crisis Lifeline sa 988.
-
Tumawag sa 1-800-273-TALK (1-800-273-8255).
-
I-text ang HOME sa 741741 para ma-access ang Crisis Text Line.
Isaalang-alang ang pagsi-save ng mga numerong ito sa iyong telepono.
Pumunta sa 988lifeline.org para sa karagdagang impormasyon o para mag-chat online.
Iba pang bagay na puwede mong gawin
-
Makipag-usap sa iyong anak nang madalas para nalalaman mo ang nadarama nila. Sikaping manatiling
kalmado, maging mabuting tagapakinig, at tanggapin na totoo ang nararamdaman nila.
-
Tiyakin na nadadaluhan ng iyong anak ang lahat ng mga sesyon ng pagpapayo na rekumendado ng
doktor. Isang mahalagang bahagi ng paggamot ang pagtanggap ng propesyonal na pagpapayo.
-
Alisin at itaglo ang lahat ng baril at iba pang armas sa bahay. Alisin din at itago ang mga
gamot na hindi ginagamit.
-
Payuhan ang iyong anak na huwag iinom ng alak o droga.
Kailan ka dapat tumawag para humingi ng tulong?
Tumawag 911 sa anumang oras na sa palagay mo ay maaaring kailangan ng iyong anak ng
pangangalagang pang-emergency. Halimbawa, tumawag kung:
Saan hihingi ng tulong 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo
Kung nagsasabi ng tungkol sa pagpapakamatay ang iyong anak, sasaktan ang sarili, may krisis sa
kalusugan ng isipan, krisis sa paggamit ng paggamit ng substansya, o anumang emosyonal na
kabagabagan, humingi kaagad ng tulong. Maaari kang:
-
Tumawag sa Suicide and Crisis Lifeline sa 988.
-
Tumawag sa 1-800-273-TALK (1-800-273-8255).
-
I-text ang HOME sa 741741 para ma-access ang Crisis Text Line.
Isaalang-alang ang pagsi-save ng mga numerong ito sa iyong telepono.
Pumunta sa 988lifeline.org para sa karagdagang impormasyon o para mag-chat online.
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang pangangalagang medikal kung:
Makipag-usap sa isang tagapayo o doktor kung ang iyong anak ay mayroon mga problemang binabanggit sa
ibaba nang mga 2 linggo na o higit pa.
-
Madalas na malungkot ang iyong anak o palaging umiiyak.
-
Nahihirapang makatulog ang iyong anak o labis labis ang tulog.
-
Nahihirapan ang iyong anak na magtuon ng pansin, gumawa ng mga desisyon, o makaalala ng mga
bagay.
-
Nagbago ang kanilang normal na paraan ng pagkain.
-
Nakokonsyensiya ang iyong anak nang walang dahilan.
Pangkasalukuyan mula noong: Hunyo 24, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.