Fungus sa Kuko ng Daliri sa Paa: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Fungal Nail Infection: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga
Karaniwang nagiging puti o dilaw ang isang kuko ng daliri sa paa kapag naimpeksyon ito ng fungus.
Habang kumakalat ang fungus, nangingitim ang kuko at nagiging mas makapal, at ang mga gilid nito ay
nagiging marupok at nasisira ito sa katagalan. Maaaring magdulot ng pananakit sa paa at
pagkakatanggal ng kuko sa paa ang matinding impeksyon.
Mas malaki ang posibilidad na maimpeksyon dahil sa fungus ang mga kuko ng daliri sa paa na nalalantad
sa moisture at init. Maaari itong mangyari dahil sa pagsusuot ng mainit na sapatos madalas at
paglalakad nang walang sapin sa paa sa mga paliguan.
Mahirap gamutin ang fungus sa kuko ng daliri sa paa, at maaari iyong bumalik kahit nawala na ito.
Ngunit kung minsan, maaaring tuluyang mawala ang mga fungus sa kuko ng daliri sa paa sa tulong ng
mga gamot. Kung napakatindi ng impeksyon, o kung nagdudulot ito ng labis na pananakit, maaaring
kailanganin mong ipatanggal ang kuko.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Gamitin ang iyong mga gamot ayon mismo sa inireseta. Tumawag sa iyong doktor kung mayroon kang
anumang problema sa iyong gamot. Makakakuha ka ng higit pang detalye tungkol sa mga partikular
na gamot na inireseta ng iyong doktor.
-
Kung binigyan ka ng iyong doktor ng cream o likidong ilalagay mo sa iyong kuko ng daliri sa paa,
gamitin ito nang eksakto ayon sa itinagubilin.
-
Hugasan nang madalas ang iyong mga paa, at hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos mong hawakan
ang iyong mga paa.
-
Panatilihing malinis at tuyo ang iyong mga kuko ng daliri sa paa. Tuyuin nang husto ang iyong
mga paa pagkatapos mong maligo at bago ka magsuot ng sapatos at medyas.
-
Panatilihing maikli ang kuko ng iyong mga kuko ng daliri sa paa.
-
Magpalit ng mga medyas nang madalas. Magsuot ng mga tuyong medyas upang ma-absorb nito ang
moisture.
-
Huwag magyapak sa mga pampublikong lugar.
-
Gumamit ng spray o powder upang maiwasan ang fungus sa iyong mga paa at iyong mga sapatos.
-
Huwag tanggalin ang balat sa palibot ng iyong mga kuko.
-
Huwag gumamit ng nail polish o artipisyal na kuko sa iyong mga kuko ng daliri sa paa.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Nobyembre 16, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.