Pagtatae: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Diarrhea: Care Instructions
Mga Tagubilin para sa Iyong Pangangalaga

Ang pagtatae ay malabnaw, at matubig na pagdumi (bowel movements). Ang eksaktong dahilan ng pagtatae
ay kadalasang mahirap matukoy. Kung minsan, ang pagtatae ay paraan ng iyong katawan na mailabas ang
nagpasakit ng tiyan. Ang mga virus, sirang pagkain, at maraming klase ng gamot ay nakapagdudulot ng
pagtatae. May ilang tao na nagkakaroon ng pagtatae bilang tugon sa problemang emosyonal,
pagkabahala, o ilang uri ng pagkain.
Halos lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagtatae paminsan-minsan. Kadalasang hindi ito grabe, at
manunumbalik din sa normal ang iyong pagdumi. Ang mahalagang gawin ay palitan ang mga likidong
nawala, para maiwasan ang dehydration.
Sinuri ka nang mabuti ng doktor, ngunit maaaring magkaroon ng mga problema sa hinaharap. Kung may
mapuna kang anumang problema o bagong sintomas, magpagamot agad.
Ang follow-up na pangangalaga ay mahalagang bahagi ng iyong paggagamot at kaligtasan. Tiyakin
na dumating sa lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung nagkakaproblema ka. Magandang
ideya rin na alamin ang mga resulta ng mga pagsusuri sa iyo at magtabi ng listahan ng mga gamot na
iyong iniinom.
Paano mong maaalagaan ang iyong sarili sa tahanan?
-
Magbantay ng mga palatandaan ng (panunuyo) dehydration, na nangangahulugang nawalan ng sobrang
tubig ang iyong katawan. Ang dehydration ay nakamamatay na kondisyon at dapat itong gamutin
agad. Ang mga palatandaan ng dehydration ay:
-
Paglala ng pagkauhaw at nanunuyong mga mata at bibig.
-
Pakiramdam na hihimatayin o pagkahilo.
-
Madilim na ihi, at mas kaunti ang iniihi kaysa sa dati.
-
Para maiwasan ang dehydration (panunuyo), uminom ng maraming likido, sapatan para ang ihi mo ay
malabnaw na dilaw o malinaw tulad ng tubig. Piliing uminom ng tubig at iba pang malilinaw na
inuming walang caffeine hanggang sa bumuti ang iyong pakiramdam. Kung ikaw ay may sakit sa bato,
puso, o atay at kinakailangang limitahan ang pag-inom ng likido, makipag-usap sa iyong doktor
bago mo dagdagan ang dami ng likidong iniinom mo.
-
Simulang kumain ng paunti-unting magagaan na pagkain kinabukasan, kung kakayanin.
-
Subukan ang yogurt na may live cultures ng Lactobacillus (basahin ang etiketa).
-
Iwasan ang maaanghang na pagkain, mga prutas, alkohol, at caffeine hanggang sa lumipas
ang 48 oras makaraang mawala ang mga sintomas.
-
Iwasang ngumuya ng chewing gum na may sorbitol.
-
Iwasan ang mga produktong gatas (maliban sa yogurt na may Lactobacillus) habang
may nagtatae ka at sa 3 araw makalipas na mawala ang mga sintomas.
-
Maaaring ipayo ng doktor na uminom ka ng gamot na nabibili nang walang reseta
(over-the-counter), tulad ng loperamide (Imodium), kung nagtatae ka pa rin makalipas ang 6 na
oras. Basahin at sundin lahat ng tagubilin sa etiketa. Huwag gagamitin ang gamot na ito kung may
nagtatae ka nang may dugo, mataas na lagnat, o iba pang palatandaan ng nakamamatay na
karamdaman. Tawagan ang iyong doktor kung sa palagay mo'y nagkakaproblema ka sa iyong gamot.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa iyong palagay ay kailangan mo ng pang-emergency na
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
Tawagan ngayon ang iyong doktor o humingi ng agarang pangangalagang medikal kung:
-
Nahihilo ka, o pakiramdam mo ay hihimatayin ka.
-
Ang dumi mo ay itim at mukhang alkitran, o kung may bahid ng dugo.
-
May panibago o lumalalang pananakit ang iyong tiyan.
-
Mayroon kang palatandaan ng panunuyo (dehyration), tulad ng:
-
Tuyo ang mga mata at bibig.
-
Kaunti lang at mas madilaw ang iniihi.
-
Nakadarama ng dagdag na uhaw kaysa sa karaniwan.
-
May panibago o mas mataas kang lagnat.
Manmanang mabuti ang mga pagbabago sa iyong kalusugan, at tiyaking makipag-ugnayan sa iyong doktor
kung:
-
Lumalala ang iyong pagtatae.
-
May nakikita kang nana sa tae.
-
Hindi bumubuti ang iyong pakiramdam makalipas ang 2 araw (48 oras).
Pangkasalukuyan mula noong: Oktubre 19, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.