Pagkalason ng Mga Bata sa Lead: Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Lead Poisoning in Children: Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga
Nangyayari ang pagkalason sa lead kapag nakalanghap o nakalulon ka ng masyadong maraming lead. Ang
lead ay isang metal na kung minsan ay matatagpuan sa pagkain, alikabok, pintura at tubig. Ang
sobrang lead sa katawan ay mas mapanganib para sa mga batang wala pang 6 na taong gulang. Maaaring
malunok ng isang bata ang lead sa pamamagitan ng pagkain ng mga nabakbak na pintura mula sa mga
bagay na mayroong pinturang may lead.
Maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, panghihina ng kalamnan at pinsala sa utak ang pagkalason sa
lead. Maaari nitong pabagalin ang paglaki ng isang bata. At maaari itong magdulot ng mga kapansanan
sa pagkatuto at problema sa pandinig. Maaari ding magdulot ang lead ng mga ganitong problema sa
isang sanggol na hindi pa naipapanganak (fetus).
Matatagpuan ang lead sa kapaligiran. Maaari itong matagpuan sa mga bahay at pinagtatrabahuhan sa
ilang partikular na produkto. Inalis na ang lead sa maraming produkto, gaya ng gasolina at mga
bagong pintura. Ngunit matatagpuan pa rin ito sa mga lumang pintura at baterya. Maraming bahay na
ginawa bago ang 1978 ang maaaring may lead sa pintura.
Ang pag-aalis ng lead sa bahay ay ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo upang maiwasan ang higit
pang pinsala sa kalusugan na dulot ng lead.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang napakahalagang bahagi ng paggamot at kaligtasan ng iyong
anak. Siguraduhin na makakapagpaiskedyul ka ng pagpapatingin, mapupuntahan mo ang lahat ng
ito, at matatawagan mo ang iyong doktor kung nagkakaproblema ang iyong anak. Mabuti ring alamin ang
mga resulta ng mga pagsusuri ng iyong anak at magtabi ng listahan ng mga gamot na iniinom ng iyong
anak.
Paano mo mapangagalagaan ang iyong anak sa bahay?
-
Kung umiinom ng gamot ang iyong anak upang alisin ang lead sa kanyang katawan, ipainom sa iyong
anak ang gamot ayon mismo sa inireseta. Tawagan ang iyong doktor kung sa palagay mo ay
nagkakaroon ng problema ang iyong anak sa kanyang gamot.
-
Kung ang inyong bahay ay may mga lead na tubo:
-
Huwag magluto, uminom o magtimpla ng baby formula gamit ang tubig mula sa gripo ng
mainit na tubig. Mas maraming lead mula sa mga tubo ang natatangay ng mainit na tubig
kumpara sa malamig na tubig. (Ayos lang na maligo gamit ang mainit na tubig. Iyon ay
dahil sa karaniwang hindi nakakapasok sa balat ang lead.)
-
Hayaang dumaloy muna ang malamig na tubig nang ilang minuto bago ka uminom o magluto
gamit ang tubig.
-
Bumili at gumamit ng filter ng tubig na may sertipikasyon sa pag-aalis ng lead.
-
Pakainin ang iyong anak ng mga low-fat at masustansyang pagkain na may iron at calcium. Mas
magiging mahirap para sa lead na pumasok sa katawan ng isang taong may diyetang mainam sa
kalusugan. May calcium sa yogurt, keso at ilang berdeng gulay gaya ng broccoli at kale. May iron
sa mga karne, madadahon at berdeng gulay, pasas, beans, lentil at mga itlog.
Upang makaiwas sa pagkalason sa lead
-
Ipasuri ang inyong bahay upang malaman kung may lead ito Tumawag sa National Lead Information
Center sa 1-800-424-LEAD (1-800-424-5323) upang madagdagan ang iyong nalalaman at makakuha ng
listahan ng mga pinagmumulan sa inyong lugar. Ipagawa sa mga taong may karanasan sa pag-aalis o
pagkontrol ng lead ang lahat ng pagsasaayos at pagkukumpuni sa inyong bahay. Ilayo ang iyong
pamilya sa bahay habang inaayos ang bahay.
-
Hugasan nang madalas ang mga kamay, bote, laruan at pacifier ng iyong anak.
-
Huwag hayaan ang iyong anak na sumubo ng dumi o ng pagkaing nalaglag sa sahig.
-
Linisin ang mga pasimano, hamba at sahig na walang carpet 2 beses bawat linggo. Gumamit ng
maligamgam at may sabong tubig sa isang basahan o mop. Kung posible, linisin ang mga basahan
gamit ang vacuum na may HEPA filter. Linisin ang mga carpet gamit ang steam.
-
Tanggalin ang iyong mga sapatos o punasan ang dumi sa mga ito bago ka pumasok sa inyong bahay.
-
Huwag kaskasin, lihahin o sunugin ang kahoy na may pintura maliban na lang kung sigurado kang
wala itong lead.
-
Kung alam mong may lead ang pintura, huwag aalisin ito nang mag-isa.
-
Kung may libangan kang gumagamit ng lead (gaya ng paggawa ng stained glass), gawin ito nang
malayo sa inyong bahay. Labhan at palitan ang iyong mga damit bago ka pumasok sa iyong kotse o
umuwi.
Pagkain at pag-iimbak ng pagkain na nakakapagpababa sa posibilidad ng pagkalason sa lead
-
Pakainin ang iyong anak ng mga low-fat at masustansyang pagkain na mayaman sa iron at calcium.
-
Siguraduhin na nakakakain ang iyong anak ng phosphorus, zinc at bitamina C sa kanyang diyeta.
Kung kailangan, gumamit ng mga supplement, orange juice na may karagdagang calcium at
phosphorus, o mga fortified na cereal.
-
Kung ginagamit mo ulit ang mga plastic bag sa pag-iimbak ng pagkain, siguraduhin na nasa labas
ang print nito.
-
Huwag na huwag mag-iimbak ng pagkain sa isang bukas na metal na lata, lalo na kung hindi gawa sa
Estados Unidos ang lata. Kung may lead sa metal o panghinang, maaari itong masama sa pagkain
kapag nahanginan ang lata.
-
Huwag maghanda, maghain o mag-imbak ng pagkain o mga inumin sa ceramic na paso o kristal na
babasagin maliban na lang kung sigurado kang walang lead ang mga ito.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa 911 anumang oras na sa palagay mo ay maaaring kailanganin ng iyong anak ng agarang
pangangalaga. Halimbawa, tumawag kung:
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Nakakaranas ang iyong anak ng matinding pananakit sa tiyan o madalas na puwersahang pagsuka
(projectile vomiting).
-
Nakatira kayo sa isang lumang bahay na may pinturang nababakbak na at ang iyong anak o sinumang
nakatira sa bahay ay nagpapakita ng mga senyales ng pagkalason sa lead. Kasama sa mga senyales
na ito ang:
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa kalusugan ng iyong anak, at siguraduhing
tawagan ang iyong doktor kung:
-
Gusto mo ng tulong upang malaman kung may lead ang inyong bahay.
-
Gusto mong ipatingin kung naaapektuhan ng lead ang iyong anak.
-
Hindi gumagaling ang iyong anak gaya ng inaasahan.
Pangkasalukuyan mula noong: Oktubre 24, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.