Mga Impeksyon sa Tainga (Otitis Media): Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Ear Infection (Otitis Media): Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga

Ang impeksyon sa tainga ay maaaring magsimula sa sipon at maaaring makaapekto sa panggitnang tainga
(otitis media). Maaari itong magdulot ng matinding pananakit. Ang karamihan ng mga impeksyon sa
tainga ay nawawala nang hindi ginagamot pagkalipas ng ilang araw. Kadalasan, hindi mo na kailangang
uminom ng mga antibiotic. Ito ay dahil ang karamihan ng mga impeksyon sa tainga ay dulot ng virus.
Hindi tumatalab ang mga antibiotic sa virus. Ang mga regular na dosis ng mga gamot sa pananakit ang
pinakamainam na paraan upang bumaba ang iyong lagnat at matulungan kang guminhawa ang pakiramdam.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Inumin ang mga gamot sa pananakit ayon mismo sa itinuro.
-
Kung binigyan ka ng doktor ng inireresetang gamot para sa pananakit, gamitin iyon gaya
ng inireseta.
-
Kung hindi ka umiinom ng inireresetang gamot sa pananakit, uminom ng gamot na mabibili
nang walang reseta, gaya ng acetaminophen (Tylenol), ibuprofen (Advil, Motrin) o
naproxen (Aleve). Basahin at sundin ang lahat ng tagubilin na nasa label.
-
Huwag uminom ng dalawa o higit pang gamot para sa pananakit nang sabay-sabay maliban na
lang kung sinabi sa iyo ng doktor. Marami sa mga gamot para sa pananakit ang may
acetaminophen, at Tylenol ito. Maaaring makasama ang sobrang acetaminophen (Tylenol).
-
Planuhin ang pag-inom ng buong dosis ng pantanggal ng pananakit bago matulog. Kapag mayroon kang
sapat na tulog, mas magiging maginhawa ang iyong pakiramdam.
-
Subukang maglagay ng mainit at moist na tuwalya sa iyong tainga. Maaari itong makatulong na
maibsan ang pananakit.
-
Kung nagreseta ng mga antibiotic ang iyong doktor, inumin ang mga ito gaya ng itinuro. Huwag
itigil ang pag-inom ng mga ito dahil lang bumuti ang iyong pakiramdam. Kailangan mong inumin ang
kumpletong dosis ng mga antibiotic.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Sumasakit na naman ang iyong tainga o tumindi ang pananakit nito.
-
May lumalabas na namang nana o dugo sa iyong tainga o dumami ang lumalabas na nana o dugo sa
iyong tainga.
-
Mayroon kang lagnat at stiff neck o matinding sakit ng ulo.
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung:
Pangkasalukuyan mula noong: Setyembre 27, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.