Mahapding Pag-ihi (Dysuria): Mga Tagubilin sa Pangangalaga
Painful Urination (Dysuria): Care Instructions
Mga Tagubilin sa Iyong Pangangalaga
Ang hapding nararamdaman kapag umiihi (dysuria) ay isang karaniwang sintomas ng urinary tract
infection o iba pang mga problema sa pag-ihi. Maaaring mamaga ang pantog. Maaari itong magdulot ng
pananakit kapag napupuno at nawawalan ng laman ang pantog. Maaari ka ring makaramdam ng hapdi kung
ang daluyang nagdadala ng ihi mula sa pantog patungo sa labas ng katawan (urethra) ay may iritasyon
o impeksyon.
Maaari ding mga sexually transmitted infection (STI) ang nagdudulot ng hapdi kapag umiihi ka.
Kung minsan, ang pananakit ay maaaring dulot ng ibang bagay maliban sa impeksyon. Maaaring mairita
ang urethra dahil sa mga sabon, pabango o mga bagay na hindi karaniwang nasa urethra. Maaaring
magdulot ng pananakit ang mga bato sa kidney kapag dumaraan ang mga ito sa urethra.
Maaaring mahirap malaman ang dahilan. Maaaring kailanganin mong sumailalim sa mga pagsusuri. Depende
sa dahilan ang paggamot para sa mahapding pag-ihi.
Ang follow-up na pangangalaga ay isang mahalagang bahagi ng iyong paggamot at kaligtasan.
Siguraduhing ipaskedyul at puntahan ang lahat ng appointment, at tawagan ang iyong doktor kung
nagkakaproblema ka. Mainam ding alamin ang mga resulta ng iyong mga pagsusuri at magtabi ng listahan
ng mga iniinom mong gamot.
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili sa bahay?
-
Uminom ng mas maraming tubig o juice gaya ng cranberry at blueberry juice sa loob ng susunod isa
o dalawang araw. Makakatulong itong gawing hindi masyadong puro ang ihi. At maaaring makatulong
ito sa pag-aalis ng anumang bacteria na maaaring nagdudulot ng impeksyon. (Kung mayroon kang
sakit sa kidney, puso o atay at kailangang limitahan ang pag-inom ng fluid, makipag-usap sa
iyong doktor bago mo dagdagan ang dami ng fluid na iniinom mo.)
-
Iwasan ang mga inuming carbonated o may caffeine. Maaaring makasama ang mga ito sa pantog.
-
Umihi nang madalas. Subukang iihi ang lahat ng laman ng iyong pantog sa bawat pagkakataon.
Para sa mga babae:
-
Umihi pagkatapos mong makipagtalik.
-
Pagkatapos gumamit ng banyo, magpunas mula sa harap palikod.
-
Iwasan ang mga douche, bubble bath at feminine hygiene spray. Iwasan ang iba pang mga produkto
para sa feminine hygiene na may mga deodorant.
Kailan ka dapat humingi ng tulong?
Tumawag sa iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung:
-
Nakakaranas ka ng mga bagong sintomas gaya ng lagnat, pagduduwal o pagsusuka.
-
Nakakaranas ka ng mga bago o mas matinding sintomas ng problema sa pag-ihi. Halimbawa:
-
May dugo o nana sa iyong ihi.
-
Nakakaranas ka ng pangangatog o pananakit ng katawan.
-
Lalong sumasakit ang pag-ihi.
-
Nakakaramdam ka ng pananakit sa iyong singit o tiyan.
-
Nakakaramdam ka ng pananakit sa iyong likod sa bandang ibaba ng iyong tadyang (sa
balakang).
Bantayan nang mabuti kung magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong kalusugan, at siguraduhing tatawag ka
sa iyong doktor kung mayroon kang anumang problema.
Pangkasalukuyan mula noong: Nobyembre 15, 2023
Bersyon ng Nilalaman: 14.0
Ang mga tagubilin sa pangangalaga ay iniangkop sa ilalim ng lisensya ng
iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang
medikal na kundisyon o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal ng pangangalagang
pangkalusugan. Itinatanggi ng Healthwise, Incorporated ang anumang warranty o sagutin para sa iyong
paggamit ng impormasyong ito.